Dunkin
Kakatapos ko lang umorder sa Dunkin sa may Casimiro ng may pumasok na 2 bata na nanghihingi ng barya. Pagkalapag ko pa lang ng pagkain ko sa table biglang kinuha ng isang bata yung donut. Kakabadtrip. Hinayaan ko na lang. Tapos umorder na lang ako ulit. Habang kumakain naman na ako may pumasok na naman na dalawang bata. So same din nanghihingi ng barya. Ang spiel is maysakit daw ang lola. So para na lang lumabas nagbigay ako. Pero di pa pala sila ok. Hinihingi yung drinks ko. Tapos si Ateng Cashier/crew. Dedma lang. Di man lang mapalabas or sabihan lumabas. Hayst. Gusto ko lang kumain at magdonut 😢