Should I let my hubby spend much for branded baby clothes and other expenses.

I am a single mom when we met kaya medyo may alam na ako sa mga gastusin. Now, I am pregy with our baby. Since 1st baby nya and he’s been wanting this for so long, medyo magastos sya sa nesting 🤣 nanghihinayang ako kase may mga alternatives naman.

  1. I have a health card that covers my prenatal and postnatal checkups, but he’s suggesting that I try another OB who handles high-risk pregnancies (e hindi man ngani ako high risk. 🤣) I told him to give my OB a chance kase sya rin yung nag CS sa akin sa 1st kaya alam na nya yung history ko. 45k yung CS package for private room to suite then 65k+ doon sa nakita nyang OB), same hospital.

  2. He wants to buy branded newborn onesies when there are a lot of options sa shopee and other local shops na same quality. Sabi ko mabilis lang kaliitan ni baby sayang naman (pero di pa kami bumibili, checking pa lang sya dahil wala pang gender baby namin). Bawi na lang kapag toddler na.

  3. He wants to buy basinet, crib, changing diaper table etc, pero may nabili akong crib sa ikea before na adjustable yung higaan na pwedeng gamitin from newborn to 4y/o (yung nabababa yung higaan), it was worth the money compared sa mga gusto nyang aabot ng 20k+ yun pa lang.

  4. I told him kapag nanganak ako, ayusin nya yung papers ko so we can apply for guarantee letter for hospitalization sa municipyo. Growing up, merong ganon dito sa Mabalacat, kailangan lang maglaan ng 1 day to complete the papers. Kahit na pa may ipon na kami, sayang yung discount be! Hahaha (at least we can use the other savings for our future business plan) kahit doon man lang makabawi tayo sa mga taxes na binabayaran. Si ate kase noon nakakuha ng 30k nung naCS sya, 10k na lang binayaran sa hospital. Tatay ko rin before nakakuha ng 40k less sa 80k bill nya. Sayang yon! 🤣 naisip ko kapag ayaw nya si ate papaglakarin ko tapos bigay ko sa kanya yung kalahati ng discount na makukuha namin HAHAHA. I’m trying to exhaust all the possible way para bumaba yung bill kahit 45k lang rin sya. I also contacted my HMO provider and they said they will cover 15k.

  5. I have SSS Mat Ben for 110k na papasok sa payroll ko this January, hindi ko pa sinasabi sa kanya kase he wants to cover everything. Sabi nya kaya naman nya lahat ng gastos even naka maternity leave ako. Sasabihin ko ba kung magkano buo when he only knows e 70k lang madalas ang sa SSS? Somehow nagpipigil akong magsabi ng lahat ng mga to as I want him to find out kung paano ba yung responsibilities ng pagiging daddy at ayokong maging complaisant sya. My plan for the 110k is backup sa kasong kailangan naming ifile doon sa taong ayaw umalis sa bahay na kinuha namin sa pag-ibig or pang start ng business. Hindi ko naman sya ipagdadamot sa kanya, parang ayoko lang muna sabihin lahat (yung ex ko kase masyadong naging kampante nung nalaman nyang parang kaya lahat icover ng hmo at benefits ko yung sa 1st ko at wala na syang effort etc.)

Gusto ko lang sana makatulong makasave pero ayokong masanay sya na I’m initiating sa lahat at makampante sya na “kaya naman nya yon gawan ng paraan).

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 day ago

SkinCare reco para mukhang fresh pa rin.

Naka graduate na ako sa 1st trimester hahaha medyo bumabalik balik na rin yung energy ko mag ayos. Anong gamit nyo pong skincare na OB Approved?

Moisturizer, lotion, foundation anything basta hindi mainit sa balat.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 2 days ago
▲ 126 r/LawPH

Kailangan po namin ng tulong para mapaalis yung taong nakatira doon sa bahay na nakuha namin sa foreclosed property sa pag ibig.

Maliit lang yung property, nasa 50sqm pero grabe yung stress na binibigay nung nakatira. Iniwan na sya ng pamilya nya noong una pa naming sinabi na kami na ang nakakuha ng bahay, pero yung tatay nagpaiwan, ayaw umalis. Nabarangay na at lahat pero wala pa rin.

Magkano po kaya aabutin nito saka anong habol namin sa kanya since feb nagbabayad na kami ng bahay pero sya yung nakatira 😩 gusto lang naman naming mag umpisa.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 3 days ago

SKL. Sharing 1k/month kesa mag monthsary gift

30s na kami ni hubby at I’m very bad when it comes to gifting. Sya rin HAHAHAHA nagbibigay sya lagi ng gift, appreciated ko naman sobra yung effort pero madalas hindi ko need yung binibili nya 🤣 ako naman madalas rin mali napipili ko so I suggested na magshare na lang kami ng 1k/month kesa bumibili lagi ng gifts every monthsary. Then kapag may gustong bilhin sa anniversary na couple shoes or branded couple stuff, doon namin kukunin.

Less stress sa pag iisip every month 🤣🤣

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 7 days ago

It’s my 3rd baby pregnancy already but 1st time ko matakot.

Sa 1st & 2nd birth ko, di ako nakaramdam ng takot. But ngayong 13weeks pregnant ako e kinakabahan ako. I’m already 31, and we are at our 3rd and done pero grabe worry ko every lab test, checkups and even sa panganganak. Feeling ko gusto ko ng manganak para hindi ko na iniisip yung development ni baby, para makita na namin sya agad and we can start. I have family history ng mga diabetic at highblood pressure, for now wala pa naman akong symptoms but prior pregnancy, tumataas na yung sugar ko. Hayst. I don’t wanna be so dramatic but goal ko na lang talaga is to stay alive sa 3rd C-Section ko.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 8 days ago

SKL, my hubby is making our pregnancy so easy

For context, I was a single mom for 6 years before I met my now husband. Minsan naiiyak na lang ako kasi naiisip ko, pwede naman palang ganito. Bakit kailangan ko pang pagdaanan lahat ng hirap noon sa ex ko?

At first, sobrang takot ako because of my previous pregnancy experience. Sinabi ko sa husband ko yung fears ko that I was scared and I hoped he’d be patient with all the changes and my fragile state during pregnancy. He assured me na hindi niya ako papabayaan. I’m now 8 weeks pregnant, and ever since nalaman namin na buntis ako, lagi niya akong sinasabihan na matulog at magpahinga kasi kailangan ko raw ’yon. Kahit anong gusto kong pagkain, ibibigay niya. Ultimo pagkuha ng tubig ko, siya pa ang gumagawa.

By the way, ganito na talaga siya kahit boyfriend-girlfriend pa lang kami. Sobrang gentleman niya, generous, tyaga nyang mag travel 3-4 hours from Rizal to Pampanga and those are some reasons why I found the courage to love again after an 8-year failed relationship and 6 years of being single.

Ngayon, siya ang naghahatid sa eldest ko sa school, naghahanda ng uniform, nagbibigay ng baon, at nag-insist pa na siya na ang sasagot sa lahat ng household expenses namin. (We’re both working from home, GY kaya gusto nya pag out namin matulog na daw ako.) Naglilinis din siya habang tulog ako, tapos pag gising ko, ang gagawin ko na lang is mag-load ng laundry at mag-prepare ng meals. Noong hindi pa ako buntis, I do all the household chores maliban sa pagtutupi (hate ko magtupi haha, sya nagtutupi kase sabi nya noong nililigawan pa nya ako, sya na daw gagawa ng mga bagay na ayaw ko)in return ng pagpprovide sa amin. Yung sahod ko tinatabi ko na lang for our backup/safety net at he allows me to give my parents allowance kahit di ako breadwinner.

You know, before I met him, gumawa ako ng list ng mga ipinagdarasal ko kay Lord sa magiging partner ko. Na-check niya lahat ng nasa listahan ko, kaya kahit sobrang takot akong magmahal ulit, sinagot ko siya.

Now, my prayer is that he never changes, and that God continues to bless him abundantly because he truly deserves it. ❤️

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

Candy with no sugar reco

I’m 10 weeks pregnant, and we have a family history of diabetes. I’ve been feeling nauseous most of the time, and the only thing that seems to help is sucking on candy or magtoothbrush kahit ilang beses basta lang wala yung feel na masusuka. Wala naman sanang prob sa pagtotoothbrush lagi pero hassle kase lalo na sa working hours ko.

Baka may reco kayo na candy na sugar free or anything na nakakahelp sa inyo to lessen the pagsusuka. I tried plain biscuits pero same pa rin.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

1st trimester and nagccrave ako ng kapeeeeeeee 🤣🤧

It’s my 2nd baby already, si hubby first baby nya (I’m a single mom when we met) at dahil first baby nya, ayaw nya ako papagkapehin kahit konti lang 😭😭 gusto ko umiyak (pregnancy hormones) kase di masatisfy ng kahit ano ang taste buds ko. Iba na lang daw hanapin ko, binili bili na nya ako ng ibang food pero gusto ko ng kape talaga 😭 mahilig ako sa coffee bago mabuntis kaya parang hinahanap hanap ng katawan ko.

Nakaka🤮 naman yung Anmum 🥴

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago
▲ 28 r/LawPH

Ayaw umalis ng dating may ari ng bahay sa property na napanalunan at nabayaran na sa pag-ibig. Paano nyo po napaalis at ano yung process at magkano ang possible gastos?

Nag usap na sa HOA at barangay pero hindi pa rin tumupad. Umalis ang anak at asawa, iniwan yung tatay na nakapangalan sa bahay kase may matagal na rin hidwaan ang pamilya nila, ngayon yung lalaki na lang ang sakit ng ulo namin. Gusto ng court order daw. Any suggestion po na mas mapapadali muna or pwede itry?

This man is manipulative and parang bipolar pausap.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

Where do you buy maternity shirt, shorts and pants?

Online option po sana. Pang bahay at pang alis. Or kung may mga terno na hindi mainit sa balat. Naumay na kase ako puro cotton spandex sa shopee or yung mga tela na bumabaho 😭

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

How do you take care of your husband while you’re in your first trimester of pregnancy?

My husband is very caring ever since nagpositive ang PT namin (actually ganito naman sya, nagdouble lang), pero nahihiya ako kase alam ko nakakapagod yung after work is he’s taking care of the house habang hinahayaan nya akong matulog. I asked him last time kung anong help ang magagawa ko for him and he only replied “just take a rest, sleep and take all the prenatal meds”.

Sobrang mahihiluhin ko kase recently and all I want is matulog, mahiga. I’m still cooking pero madalang lang. Mas madalas na kami bumili ng tulong ulam ngayon unlike before na nagmemeal prep ako. Which I know nakakadouble sya sa budget. di ko sya naririnig magreklamo pero kase naguguilty ako.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

Self Care for preggy moms

Momsh, how do you maintain yourself lalo na sa panahon na tamad na tamad kayo? I feel so exhausted for the past weeks, 1st trimester ko pa lang. Pati pag lolotion minsan di ko na nagagawa kase ayoko na rin ng matapang na amoy. Shampoo, conditioner, perfume, sobrang selan ko. Ayoko na yung amoy ng mga usual na ginagamit ko. Pati si hubby sinasabihan ko na wag na muna mag perfume. Right now yung sabon ko lang is johnson kase mild ang amoy, but I feel like I need to moisturize more pati sa face. Nakakabreakout na rin ako due to hormones.

How do you deal with this po? 🥺

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 1 month ago

Meron po ba dito na ang set ng finances nila is si Hubby lahat ng expenses then si wife sa savings?

Then may allowance kami every month para sa kung anong gusto naming bilhin personally.

His earning 50-60k, I’m earning 35-40k.

How do you manage finances? Help me out. Soon to be wife here.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 2 months ago

Maybe I should ask my hubby additional allowance for breastfeeding?

Hahahaha, napaisip lang ako. I’m 7 weeks pregnant now, although my hubby is prepared financially hindi nawawala sa isip ko na mag breastfeed. And that will save my hubby 10k+/month. Last time, he asked me kung paano sya makakabawi because of my pregnancy experience (hilo, s*ka, etc), sabi ko 1M pabiro haha wala naman kaming 1M e.

Baka eto na lang siguro no? 🤣 breastfeeding is not free. Thinking na mapupuyat kapa rin (hindi na sya tatayo para mag timpla ng gatas), magkakasugat sugat nipples mo, magchachange yung b*oby shape etc.

Minsan may mga thoughts talaga ako na parang ewan 🤣 btw, how do you manage finances? Hubby is a breadwinner but he covers everything sa bahay including my pregnancy needs. Not 50/50 pero I’m working, earning 40k/month. Do you combine finances? Or sarili nyo lang sahod nyo?

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 2 months ago

Sa mga single moms before na nakahanap ng bagong partner at natatawag na daddy ng mga kids nyo, paano po nila naumpisahan na tawagin syang daddy?

I’m very grateful sa partner ko, and somehow nasaktan ako for him kase ayaw na nyang natatawag na tito. He’s doing all father figure things sa mga kids ko. He provides for us, hinahatid sa school yung mga kids at sya ang nagbibigay ng baon. (Di ko po sya inuubliga, sya po yung nag insist na gawin ito, bali yung sahod ko naman is napag usapan na lang na sa savings mapupunta).

Last time yung classmate ng eldest ko nakita sila nung hinatid sya sa school, tinanong daw nung classmate kung daddy nya si hubby, ang sagot ni eldest “hindi, tito ko yon”. Nahurt daw sya. Gets naman daw nya na hindi nya mababago ang realidad na hindi sya ang biological father, pero di lang siguro nya maiwasan na gustuhin ng matawag na daddy* *ng mga kids ko 🥺

Paano po ba nakapag adjust yung mga kids nyo sa stepdad nila? Out of the frame na po yung father ng mga kids ko 7yrs ago pa and first guy na nakita ng mga kids ko si hubby noon na naging bf ko kaya siguro si pa nila alam paano mag adjust sa setup.

Bigyan ko na lang siguro sya ng sariling anak? 😅 kidding aside.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 2 months ago
▲ 1 r/LawPH

Magkano po kaya aabutin kapag nagpahawak ng case about foreclosed property na ayaw lisanin ng dating may-ari ng bahay. Di naman po kalakihan yung bahay. 45sqm lang.

reddit.com
u/Entire-Spinach-9360 — 2 months ago