SKL: Hahahahahahaha

Naglulunch ako kanina sa Uncle John’s. May dumating na group na naka van. Pag pasok nila, umupo yung dalawa sa tabi ng table ko. May kausap sa phone yung isa na naka loudspeaker. Eto convo nila:

Ate na nasa Uncle John’s: Nandito na kami. Sabi mo nandito ka na. San ka?

Kausap: Nandito na din. San ka?

Ate na nasa Uncle John’s: Nandito na nga. Wag mo ko pinagloloko.

Kausap: San ka ba?

Ate na nasa Uncle John’s: Nandito na sa 7/11. Sabi mo 7/11 tayo magkita. Nasa 7/11 na kami.

Kausap: Sang 7/11 ka ba? Dito ako sa may hospital.

Ate na nasa Uncle John’s: Ako din. Nasa bagong 7/11 ako. Baka nasa luma ka.

Kausap: Gaga, Uncle John’s yung bago. Di 7/11. Nasa Uncle John’s ka ba?

Ate na nasa Uncle John’s: Ang tanga mo talaga. Pareho lang naman yun. Bobo amputa.

Me sa utak ko: Di din.

reddit.com
u/tobyyy0 — 4 days ago

Gigil ako sa smoke blechers

Wala na ba nanghuhuli ng mga sasakyan na smoke belchers? Parang halos lahat ng jeeps and tricycles and buses na nakakasabay ko sa daan, itim na usok ng tambucho.

Naka mask naman ako pag naka scooter ako pero paano na yung mga naglalakad sa daan. Grabe nalalanghap na hangin. Puro pollution.

Pansin ko lang din na dumadami na mga nanghuhuli araw-araw. Di ba kasama yung smoke belching sa mga offense na pwede pansinin?

reddit.com
u/tobyyy0 — 2 months ago