Dahil ba tinulungan nila ako noon, okay lang na saktan nila ako ng ganito?
Hi, im 24F. Graduate ng premed course last June 2025, pumasa sa boards ng December 2025. Living together with my family in the Philippines - alam nyo na, typical filipino family. Middle child ako, may dalawa akong twin na little bros at dalawang older sisters. Yung eldest sister ko may asawa na at buntis na sa first child nila.
Nung college days ko, namatay yung father namin last 2020. Yung mother ko and eldest sister ko yung sumuporta sakin through college. Di naman ako yung tipong ungrateful na kapatid — whenever she asks me for something, ginagawa ko naman. May times pa nga ako naglalaba ng brief ng asawa nya, but that was before. Nililinisan ko rin yung kwarto nila dati, and pag may errands sya na pinapagawa sakin, ginagawa ko.
During college, mother ko yung nagbabayad ng tuition fee at school needs like uniform, and nagbayad din sya sa dorm ko. Yung eldest sister ko naman yung nagbibigay sakin ng allowance, 2k per week, kasama na dun yung baon at grocery ko.
My school is 7 hrs away sa hometown namin, medyo malungkot ako kahit may friends naman ako and during my first and second year, i started feeling depressed. But then nameet ko current boyfriend ko nung 3rd yr ko in college. 2 years na kami ngayon, going 3 years. Taga hometown namin sya, so nung nag-aaral pa ako, LDR kami — pero minsan pupunta sya sakin para lang makasama ako, every week sya nagtatravel para makita ako. Haha
Ever since pumasa ako sa board exam, umuwi na ako sa amin, at lagi na kaming magkasama ng boyfriend ko — sa gym, sa gala, sa chores, sa laro. Lagi din akong pinagagalitan kasi lagi kaming lumalabas. Current work ko pala ay WFH, at wala akong sariling room — shared room kami ng isa sa sisters ko, kasi apat lang ang rooms namin sa bahay: room ng mommy, room ng eldest sister ko at asawa nya, room ng brothers ko, at room namin ng 2nd sister ko.
Palagi akong tinatanong bakit hindi na lang kami magpakasal ng boyfriend ko since laging magkasama. Kung ayaw namin makasal ng maaga, maghiwalay nalang daw kami. In our religion kasi, bawal ang magjowa. Pero ayoko sumuko sa kanya, kasi nung mga panahon na malungkot ako, siya yung nandun. At hindi rin naman ako yung favorite. Nung bata pa ako, lagi akong nasa bahay ng tita ko, kahit mag 1 month ako dun, di nila ako hinahanap. Simula nung dumating yung kapatid ko na kambal, wala na silang alaga sakin, lagi akong nakakalimutan. Most of my childhood memories, di fam ko kasama ko, but my cousins at mga kaibigan ko. Kadalasan din ako yung pinagagalitan — pag nag-aaway kami ng little brother ko, ako daw dapat magpakumbaba kasi ako yung ate. Pero kahit yung kaaway ko naman ay older sister ko, ako pa rin dapat magpakumbaba kasi ako yung nakababata.
Madalas din akong naglalaba ng damit ng 2nd sister ko, kasi sa totoo lang wala akong masyadong damit. So nakikigamit din ako sakanya minsan, bilang pambawi, ako na umaako ng labada nya. Sa totoo lang, di pa ako nakakabigay ng ambag sa bahay kasi di naman kasya sahod ko kahit sa sarili ko palang. Gusto ko munang i-enjoy yung sahod ko. Nung nag aaral pa kasi ako, ang mga bagong damit ko lang is yung uniform at scrubs ko. Di pa ako nabibilhan ng bagong damit ever since. Pag bumibisita kami sa uniqlo, mga kapatid ko laging meron, magpakumbaba daw ako kasi di pa daw nila nararanasan yun. Eh pano ako, di ko rin yan naransana ah. Apat na buwan pa lang akong nagtatrabaho. Kaya wala pa akong ipon.
Kahapon, nag-long ride kami ni boyfriend ko, at supposed to be susunod kami sa pickle ball game nila. Pero hindi na namin tinuloy kasi pagod kami sa byahe. Pag-uwi ko, wala pa sila, so nagluto muna ako ng sweet corn tapos naglaro ng ML. Nung dumating sila, nagsimula na silang magalit sakin nung eldest sister ko na buntis. Okay lang naman na pagalitan ako, kasi sa totoo lang, sanay na ako — may sarili na akong trabaho pero ginagawa pa rin nila akong bata. Kahit ano gawin ko, may ikinagagalit sila. Sanay na akong mapagalitan, masermunan.
Pero pagdating nila, nakaupo ako sa dining table, bigla akong binatukan. Nainis ako. Tinatanong ako kung saan kami pumunta, bakit daw kami nag-long ride. Sinagot ko sya kung saan kami pumunta, tapos nagalit sya kasi daw hindi ako nagpaalam. Hindi ko alam bakit kailangan niyang malaman, at lalo akong naiinis kasi binatukan pa ako. Bakit niya ginawa sakin yun? Ayoko non — nakakawala ng respeto. Hindi dahil ako yung mas bata samin, gaganunin na lang nila ako.
Hindi ko sya sinagot at pumasok ako sa kwarto. Sinundan niya ako at tinutulak-tulak ako. Pinagmumura niya ako, at kung ano-ano pang sinabi — na mayabang daw ako, mas pinipili ko daw yung boyfriend ko. Doon na lang daw ako tumira sa kanila at lumayas na ako.
Pagkatapos non, kinomfort naman ako ng 2nd sister ko, sabi niya ako na raw dapat magsorry kasi kailangan ako daw magpakumbaba. Buntis sya at may mga problema rin, personal problems. Pero sa totoo lang, ayoko.
Oo, malaki ang utang na loob ko sa kanya, kasi siya yung nagbigay ng allowance ko noon. Hindi ko pala nabanggit — every time na hihingi ako sa kanya ng pera, may kasamang sumbat, kinukwestyon kung bakit daw naubos ko yung 2k sa isang linggo. Malaking syudad yun, buti nga na-manage ko yung 2k. Yun din pala isa sa dahilan kung bakit ako na-depress — buti na lang dumating yung boyfriend ko.
Ngayon, gusto nilang magsorry ako. Pero ayoko. Ako ba talaga dapat magsorry? Kailangan ko ba talagang magpakumbaba? Wala pa akong ipon, kaya hindi pa ako makaalis agad dito. Kung meron lang akong pera, aalis na sana ako ngayon din.
Sa tingin ko naging mabuting kapatid naman ako — sinusunod ko lahat ng gusto nilang ipagawa sakin. Maglaba, maglinis, kahit ano — sinusunod ko bilang kapatid, at nirerespeto ko sila. Pero nung nag-physical na sya sakin, doon na ako sumabog.
Yung pagmamahal ko para sa kanila, parang nawala na. Hindi nila ako nirerespeto, wala man lang nagtanggol sakin — sa tingin nila ako yung mali, kasi lagi ko raw kasama boyfriend ko. Kung alam lang nila, sila mismo yung dahilan kung bakit ako na-depress.
Dapat ba akong magsorry? O tiisin ko na lang hanggang sa makaipon ako at makaalis dito? Ako ba yung mali dito?