Pumping
Hello mommies! I just want to let my heart out. Maybe ask for your opinions or just really seek some validation.
I am exclusively pumping. I am not sure if enougher ako or oversupplier. CS din po pala ako btw. Nung nasa hosp kami, hirap mag latch si baby, maybe because inverted nipples ako. Naextend pa tuloy kami ng stay sa hosp kasi nilagnat si baby gawa ng na-dehydrate at wala madede sakin ng maayos. So I decided to pump na lang. Nung nasa hosp kami and first 2 weeks, pump and consume lang kami kasi 1-2oz lang nakukuha ko per session at both bewbs na yun. Nag mixed feed na din pala kami ng formula since no choice talaga, kulang ung milk ko.
Nung nakauwi na kami sa bahay and around 3 weeks pp na, dumami na din milk ko. Maybe because nakuha ko na din ung right flange size ko and tinake ko talaga halos lahat ng pampalakas ng gatas na nakikita ko sa internet. (M2, milo, galacto bombs cookies, malunggay, masabaw na ulam). So naging around 6-9oz na po ako per pump and medyo nakaipon na ng konting stash sa ref. Pero sa chiller lang po and di ko na finreeze since within 3 days nauubos din naman ni LO ung mga napump ko ng previous days.
So ang naging problema ko naman po is madalas sumakit boobs ko kasi di ko masunod ung every 2 hours na pump. Kami lang kasing dalawa ni hubby ang magkatulong and wala kami ibang kasama sa bahay. Siya nagluluto, gawaing bahay and may work din sya, buti work from home. Kaya nakakapag-pump lang ako kung kelan siya ma-free sa mga ibang gawain. Minsan 5-7 hours apart ung pump ko.
Dahil diyan, naiisip ko secretly na sana humina na milk ko ulit and mag continue nalang sa mixed feeding ng formula, dahil hirap din naman sa schedule ng pump. Sumasakit pa madalas boobs ko and natakot ako magka-mastitis. Pero pag naiisip ko to, naguguilty agad ako kasi alam ko kung gano kadaming mommies ang hinihiling na sana lumakas milk nila, and un din ang wish ko nung umpisa.
Tapos netong nakaraang mga araw, parang humina na nga talaga milk ko 😭 so sinisipagan ko ulit mag pump atleast every 3-4 hours. Kaso grabe ang puyat at struggle. 30 mins na lang halos na putol putol sleep ko sa gabi, sa umaga ginagawan ko ng paraan pero mahirap pa din since velcro baby din si LO.
Di ko na alam ano magiging desisyon ko. Any insights, advice, judgement, opinions are welcome po. Thank you!