u/Great-Elk2111anon

Did I get scammed? Motor taxi

Context: I've been riding for 3 years already, and I never broke anything, even with my cousin's aerox version 3. Nakasira daw ako ng rearlight ng aerox v1

Nag pa-pick up ako sa isang motorcycle hailing app ( M - censoring in case balikan ako) sa school ko. Hindi pa man nakakalayo, he said "pwede ba mag log in?" and ako, I was unsuspicious and trustful, sabi ko "ah okay lang po" inisip ko maybe he was hiding something from his girlfriend?? then kahit walang signal, pinipilit niyang maki log in by saying maki hotspot daw ako sa kanya.

Take note, may phone siya, then may chinachat siya whike driving sa phone ko and pinu-put down yung phone ko so I wouldn't see it and ni log out niya na.

Malapit na sa gate kung saan ako dapat pupunta, nag pa detour ako by very short lang and sabi ko mag add ako kase I'll buy something. Maayos yung pagkalapag niyabsa motor non, then nung nakabili na ako, sumakay ako, hindi niya binaba or inadjust so ang awkward ng pagsakay ko. Pero never akong nakasipa, kase imagine how would you be able to kick a rearlight kung sa passenger ka nakasakay ng motor unless malaki kang tao, and in my case I'm quite petite-average (small frame). Suddenly, inandar niya and I felt something clicked. Hindi niya pa tinitignan, sabi niya "ma'am nasira yung ano dyan" sabi ko "Kuya ano? Check na natin dito" (maraming tao) and he said "de sige mamaya nalang" then I insisted pa doon (may mga police sa area) pero nawalan ako ng choice since pinasakay na ako and tinakot na.

Napunta sa secluded area then sabi niya ganto po yan gastos ganito mahal labor sira rearlight then sabi ko "paano ko po natamaan yan eh ang layo" tas sabi niya "eh parehas natin narinig yun eh" tapos tinignan ko yung "sira" and it looked like na unscrew yung part ng rear, NO CRACKS OR BEND. HINDI RIN CHINECK (ik paano chinecheck ng pinsan ko motor niya). Pi-picturan daw ako and sabi ko "Kuya nagbayad naman na ako bakit need pa?" Tas sabi niya "wag na nga" then ininsit niya ihatid ako samin (I couldn't say no, madilim yung area and I was scared he'd do something or dragged my things phone ganon, I felt helpless).

- I PAID AND I THINK HE WANTS ME TO PAY MORE KASE DI DAW SIYA MAKAKAPASADA TAS NAAWA NALANG DAW SIYA KAYA GANONG HALAGA SININGIL (MALAKI PA RIN)

Pagkadating malapit samin, minandohan niya ako to open my phone, tas pumunta sa fb, ni-remove traces ng account niya (sa recently logged in) then hinanap ********(censored it*), tho not loading yung order ko na yon sa kanya and asked me "eto na nga orders" sabi ko "yes nag eerror po" kaya di niya ma-delete and then tinanong niya ako if may pera pa ako (Idk if naawa or wants more) pero after nung nangyari, I cried and I feel traumatized because I'd admit if ako talaga may kasalanan. Until now, I'm shaking.

HE WANTED TO DELETE YUNG HISTORY NG ACCOUNT NIYA SAKIN.

Things that I did: I wanted to view yung sira, sabi niya wag ko daw hawakan lalong masisira, eh first of all it wasn't bent or had cracks in it. Second, ang layo ng passenger seat sa rear (malapit sa plaka) so paanong sa struggle ko sa pagsakay masisira yon unless mabigat o malaki ako.

Past experiences: once or twice na akong nakasakay na tatluhan kami sa motor pero never nasira yung ganon kahit malikot ako or yung kasama ko.

Is this common?

reddit.com
u/Great-Elk2111anon — 3 days ago