abyg kung sinabihan ko yung batugang pinsan kong almost 40 y. old na mahiya naman at tumulong sa magulang niya?
may tito ako na pumunta sa bahay namin umiiyak habang nangungutang ulit sa mama ko. nasa 50k na utang niya samin kasi siya lang bumubuhay sa almost 40 years old niyang anak na babae at tatlo nitong anak.
context:
- yung pinsan ko, nag-resign noong january sa trabaho niyang 300 pesos a day at hanggang ngayon wala pa ring trabaho kahit maraming opportunity. yung kapatid niyang lalaki na 30+ na rin, wala ring stable job. puro flex lang ng motor parts sa social media.
- ang nakakainis pa, yung 20 years old na panganay niya ay may latest iphone, naka-braces, at may motor pa — lahat provided ng tito ko, walang siyang ambag bilang nanay (single mom siya pero isip dalaga)
- nakatira sila sa bahay ng magulang ko sa ibang city
ang malala, pagkauwi ng tito ko matapos mangutang dahil wala na silang pagkain, nadatnan niyang nag-iinuman mga anak at apo niya. tapos yung pinsan ko nagsisisigaw pa raw ng “single ako, ireto niyo ako.”
dahil doon, nagchat ako sa gc ng pamilya namin:
“kapag alam nating pabigat na tayo at wala nang ambag kundi problema, mahiya naman sana tayo at kumilos. hindi pwedeng puro asa, puro hingi, puro dahilan.”
eh kaya ko lang naman sinabi yun kasi kaming magpipinsan ay nag-usap-usap na dapat may mag-confront na sa kanila. baon na sa utang yung tito ko habang silang lahat walang ginawa kundi maging pabigat.
after non, may nagsumbong saking kapitbahay nila na galit na galit daw yung pinsan ko. nagsisisigaw sa kalsada, sinasabing nakakapikon daw ako. sabi pa raw kapag nakaalis siya ng bansa, sasampalin niya kami ng pera. mas malaki raw kikitain niya sa isang araw kaysa apat na araw naming sweldo kapag nakapag-singapore siya.
(yun pala, nalaman ko lang yung secret niya na may balak siyang mag-dh abroad at may pinangakong s3x work sa kanya kaya pala sobrang taas ng ere.)
simula nung sinend ko yung message, nag-leave silang magkapatid at mga anak nila sa lahat ng gc, binlock kami, at puro parinig na facebook at chismis na masama raw ugali ko, ugaling aso, at matigas puso ko.
ngayon ako yung naging masama at kontrabida.
ako ba yung gago?