u/Greedy-Search-5814

Obligated ba kami bayaran ang missed work days due to a fender bender?

Nakabangga mom ko ng isang vios (montero dala ng mom ko). Sa labas ng isang mall kahapon. Minimal damage, slow speed lang kasi papasok ng parking yung mom ko. When she turned right, bigla raw nag-forward yung vios.

Yung driver ng vios, ayaw magpadaan sa insurance or sa pulis. Di nga niya inantay yung pulis

/traffic bureau para mag-inspect ng bangga. Iniinsist niya na cash ibayad namin. Tapos umalis na lang siya nang di pa tapos yung usapan and nang wala pa yung pulis.

Nag-file ng police report mom ko.

Tinawagan kami ng vios driver ngayon, sabi niya 8k daw yung quote ng talyer. Pinasend namin para madaan sa insurance. Nagpupumilit siya na cash na lang daw kasi matatagalan pag sa insurance.

Sabi namin kaya nga may insurance. Ayaw namin cash. Siya raw walang insurance.

Ngayon pinipilit niya naman na bayaran namin yung mga araw na di siya makapagtrabaho if idadaan sa insurance, kasi gamit daw niya everyday yung sasakyan niya sa work.

Yung damage ng vios is sa left front headlight. Walang CCTV na nakuha or dashcam footage.

My question is, obligated ba kami bayaran yung missed work days niya?

reddit.com
u/Greedy-Search-5814 — 5 days ago