u/Guilty_Outcome_8757

Attendance check!!

8 days sober and I'm doing better. Unti-unti ko ng tanggap ang 600k+ na talo ko. Mentally present na ulit ako at wala ng balak bumalik. Dun tayo sa tamang proseso.

Share mo naman improvement mo.

We can do this🙏☺️

reddit.com
u/Guilty_Outcome_8757 — 7 days ago

NANALO AKO NGAYON!!!!

Nanalo ako sana at mag tuloy-tuloy na'to.

Hindi ako pumaldo sa pera pero nanalo ako vs myself my old fcking self na pinalubog ng sugal. Nasa healing phase palang ako. Malayo pa pero for now malinaw na ang vision ko. There's no turning back. After of almost a decade of riding this evil roller coaster. Just to share with you guys. Nanalo ako kasi kinaya ko ng ipa deactivate ang ang mga accounts ko. Wala akong pake kahit may cashback pa o tirang funds.

u/Guilty_Outcome_8757 — 15 days ago

Sana kayanin ko.

Ang Siklo ng Rebat, Tukso, at Sising Malupit

​

Gusto ko lang i-share 'tong kwento ko—hindi para kaawaan, kundi para magsilbing babala na rin.

​

Noong January, pinangako ko sa sarili ko na hihinto na ako sa pagsusugal. At naging okay naman ako. Pero noong first week of May, nagsimula ang lahat sa isang inuman. Nabuyo, natukso. Nag-cash in ako ng ₱7,500. Sa loob ng dalawang linggo, parang may kung anong swerte ang dumikit sa akin dahil napalago ko siya hanggang ₱612,000. Na-withdraw ko naman siya, at akala ko, panalo na ako sa buhay.

​

Pero doon pala nagsimula ang totoong bangungot.

​

Ang Mitsa ng Rage Betting

​

Kinabukasan, nakita ko na may natitira pang butal sa BINGO PLUS app ko. Sabi ko, "Ipanataya ko na 'to, wala namang mawawala." . Imbis na hayaan ko lang, uminit ang ulo ko. Doon na nagsimula ang rage betting.

​

Nag-cash in ako ng ₱5,000. Natalo. Nag-cash in ulit. Sunod-sunod, walang tigil, parang nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Bago ko namalayan, ₱400k+ na ang mabilis na naglaho sa ipon ko. Sobrang exhausted ko mentally, parang sasabog ang utak ko, kaya itinulog ko na lang muna para takasan yung katotohanan.

​

Ang Tatlong Minutong Pagguho

​

Nung nagising ako, imbis na mag-reflect, ang unang pumasok sa isip ko ay bawiin yung nawala. Nag-cash in ako agad—as in ubos-buhos ang natitirang pera ko. Halos tatlong oras akong nakatutok sa screen, naglalaro nang may takot at kaba. Himala namang napaabot ko yung pera sa ₱474,000.

​

Ang target ko na lang noon ay umabot ng ₱500k para kahit papaano, quits o bawas ang talo. Nag-bet ako ng isang bagsakan na ₱75,000.

​

Natalo.

​

Doon na nag-collapse ang lahat. Sa sobrang galit at taranta, nag-rage bet ako ulit. In just 3 minutes, naubos ang buong ₱474,000. Simot. Zero.

​

"Greed is really a deadly sin. Kapag na-hook ka na sa sugal, parang wala nang balikan. Darating sa punto na titipirin mo ang lahat ng aspeto ng buhay mo, basta may pang-sugal ka lang."

​

Ang Bagsak pagkatapos ng Bagyo

​

Dito na pumasok ang matinding depresyon. Devastated ako at hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Ito ang reyalidad ko ngayon:

​

AWOL sa trabaho: 15 days na akong hindi pumapasok, kaya nawalan na ako ng trabaho.

​

Isolated: 15 days na rin akong hindi lumalabas ng bahay, walang tulog, at walang tigil sa pag-iyak.

​

Walang Masandalan: Hindi ko na magawang lumapit sa pamilya ko dahil hindi lang ito ang una, pangalawa, o pangatlong beses na inintindi at tinulungan nila ako sa parehong bisyo. Nahihiya na ako.

​

Baon sa Utang: Nasanla ko ang sasakyan ko at down ako ngayon ng ₱103,000.

​

Natatakot ako sa kung ano ang pwedeng maging resulta ng mga nagawa ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula ulit dahil literal na back to zero—or worse, negative pa.

​

Pero sa kabila ng lahat ng 'to... kinakaya ko pa rin. Nagpapatuloy pa rin ang tibok ng puso ko, at habang may buhay, alam kong may pag-asa pang magbago.

​

​

u/Guilty_Outcome_8757 — 18 days ago