u/Gullible-Bluejay4590

Problem/Goal: Pagod na maging panganay kahit ako naman talaga yung bunso.

Context: I live with my sibling and I must say para kaming aso’t pusa. Pagod na ko maging bigger person, maunawain at laging matatakbuhan ng kapatid ko. Kapag wala syang pera, pinapa-utang ko minsan nililibre ko nalang kase lagi syang walang pera. Pero kapag ako yung nasshort sa budget or may kailangan kung hindi pahirapan, tablado naman. Kapag kelangan nya ng kasama, kahit pagod or may ginagawa ako hindi ko matiis, lagi ko sinasamahan pero ako nagpapasama either masama ang loob na sasama or kailangan ilibre ko pa.

Ngayon yung work nya naging GY shift sya at dahil magkasama kami sa bahay madalas sya magpahatid sa termjnal dahil mahal ang pamasahe papuntang terminal. Lagi ko sya hinahatid walang palya, kahit di nagbibigay ng pang-gas at kahit dis oras ng gabi tas ang pasok ko kinabukasan ay 9am or 10am hinahatid ko pa rin sya kase di ko matiis eh. Tas kanina lang umuwi ako galing work ng around 10pm, pagod na talaga ko at maaga pa ulit duty ko bukas kase may kailangan ayusin sa work. Tas inaantay ko sya kase nga hahatid ko, kaya lang nung nakita ko sya na ngbabagal kung ano ano ginagawa knowing na sinabi ko na maaga ako bukas at pagod na ko still ganon pa rin. Gang sa di ko na napigilan nagalit ako at di ko sya hinatid dahil all of a sudden naramdaman ko na lahat ng pagod at bwict sa kanya.

Sobrang nakonsensya ko kase gabi na at alam ko malalate sya kaya lang kase nakakapagod rin talaga yung ikaw lagi umiintindi sa lahat at ikaw yung kelangan magbigay tas walang nakukuha pabalik.

Previous Attempt: chinat ko sya nung umalis sya after 5mins na hahatid ko na sya kaso di nya pinansin.

reddit.com
u/Gullible-Bluejay4590 — 23 days ago