Am I really not considered as a solo parent?
Pumunta ako sa munisipyo para mag-apply ng solo parent ID. Hindi ako kasal, 7 months buntis sa unang baby, hiwalay na sa nakabuntis sakin. On at off ang naging pagsasama namin ng ex ko mula nung nalaman namin na buntis ako, 4 months na ko saka niya lang ako sinimulang tulungan sa mga gastusin.
Ngayong 7 months na ko, nagtalo kami at nagsabi na siya na di niya ko tutulungan sa kahit ano hangga’t walang DNA test. Foreigner ang ex ko. Humingi ako ng tulong sa PAO at sinabihan na mediation or sampahan ko ng kaso lang ang mga options ko.
Pumunta rin ako sa munisipyo para mag-inquire ng solo parent, nagbasa naman ako tungkol dito at inisip ko nga na pasok naman ako sa unmarried mother na provision.
Sinabihan ako sa munisipyo na dapat 6 months na kaming di nag-uusap ng ex ko at dapat daw ay di i-recognize ng ex ko yung anak ko at di ito magbigay ng kahit anong sustento para ma consider daw ako as solo parent.
Ang pagkakaintindi ko yung 6 months ay para sa mag-asawa at kasal. Isang pagkakaintindi ko pa ay ang tinitignan naman ay kung ikaw ang primary caregiver o magiging primary caregiver sa sitwasyon na di naman kayo nagsasama sa iisang bahay? Mali ba ako?
Medyo masakit lang ang pag reject nila sa akin dahil sinabihan nila ko na sanay na raw sila sa mga kwento na katulad ng akin at madami pa raw jan na kahit drugista, lasinggero at nananakit ang asawa eh bumabalik at nagkakaayos padin. Hindi rin naman social worker ang nakausap ko, sabi pa saken ay baka naman iscreen ako at pagkapanganak nakapirma naman daw ang ex ko sa birth certificate kaya wala rin.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, wala pang kahit anong naging ipon ang ex ko para tulungan ako sa panganganak, may utang pa saken yon, at ginagawang conditional pa ang pagtulong sa akin. High risk din ang pagbubuntis ko, may gestational diabetes ako at naggagamot na para dito. Sinabihan niya rin ako na ayaw nya magbagong buhay at mas mahalaga raw ang nakakalabas at ang kalayaan niyang uminom kaysa sa akin at sa anak niya kaya kami naghiwalay na.
Kaya di ko maiwasang magtanong, di ba talaga qualified na solo parent ang ganito?