u/Hairy_Salamander_148

May nagchat sakin na Home Credit “Field Officer” daw

Nov 2024 nag loan ako ng Iphone 15 para sa ex live in partner ko and nag cheat siya kaya habang tulog siya kinuha ko phone and umalis nalang ako ng walang paalam.

Fast forward after 5 months nagkaron ng financial issue dahil din naubos savings ko dahil sa ex live in partner ko kasi bukod sa ako ang nagbabayad ng lahat, inako ko pa yung dalawa niyang anak. Pero wala naman akong balak takbuhan si Home Credit loyal payer ako nila ever since 2019 naka loan na ko ng 6-7 units and lahat yun Paid in Full. And ayun nga nung nakausap ko si Home Credit about overdue balance ang agreement namin ay I’ll pay whenever I have money and HC said “Okay sir” eventually. Now I resort to buy and selling stuff and 4 months after medyo nakakaipon na and nung one time nag lagay ako ng cash sa BPI ko, 25,000PHP nagulat ako kinaltas bigla sa bank ko yung 4 months na late overdue. Nagulat ako kasi naaalala ko pag na late ka ng bayad di na sila nag aauto debit (naka auto debit ako btw) kasi nung mag babayad na ako ng 2 or days late nanghihingi muna sila ng authority for auto debit kung pwede iauto debit nalang yung overdue payment (if I’m wrong on this correct me). And weird kasi laging napasok pera ko sa BPI ngayon lang siya kumaltas kasi tumigil yung email na (auto debit failed) kaya din inassume ko na di na sila mag aauto debit. Nung una di ko alam kung san napunta inabot pa ng 1 week bago ko nalaman na home credit pala kasi walang nakaindicate kay BPI kung san napunta kahit nung tinawag ko sa BPI di din nila alam. Ngayon tinry ko itawag kay Home Credit kung pwede irefund yung 3 months na sobra of course di sila pumayag, ang sakit lang sakin kasi nga nagpapaikot lang ako ng pera ngayon back to 0 ako dun ko pa naman sana kukunin pambayad ko ng bills at upa. And after pleading for almost 3 hours for refund na ayaw talaga nila tinanong nila ako kung magkano pa daw kaya kong ihulog para maclose na daw yung account. Sabi ko yung nauto debit nalang tapos nag “okay sir” nalang siya. After that call nawala na yung loan ko sa Home Credit App, tumigil na yung calls and wala na kong natatanggap na email about my outstanding balance and kahit papano magaan sa loob ko kasi wala nang natawag sakin araw araw.

After a year (Today May 13 2026), may nag pm sakin na “Home Credit Field Officer daw” and nag comment din sa latest post ng current Partner ko sa facebook.

HC- ano po kaya update sir sa payment last year september pa po last payment

Me- If you have records ng calls ko about that matter I pleaded that day to refund the 75% of it and it was closed after calling multiple times

HC- wala rin po kasi history ng call center yung account mo dir kaya wala din ako idea sa call history sir nagkaroon ba kayo settlement last year, kasi lumalabas sa financial data nyo is yan lang at may kulanh pang 3months. Need mo sir po ito masettle para maiwasan po mabadrecord sa cic offeran ko nalang po kayo ng discount yung natitirang installment monthly nalang po bayaran mo po.

Like I don’t know what to do na in this situation it’s been a year na and wala nang natawag at nag eemail sakin about this Loan, mali ba ako?

reddit.com
u/Hairy_Salamander_148 — 10 days ago