u/Hairy_Tax_7577

Valid ba ma-bother sa kapitbahay na nagpapark sa tapat ng inuupahang apartment?
▲ 29 r/RentPH

Valid ba ma-bother sa kapitbahay na nagpapark sa tapat ng inuupahang apartment?

Hi, hihingi lang sana ako ng opinion if valid ba na ma-bother ako dito.

Umuuupa kami ng apartment na may sariling gate at nasa harap mismo ng kalsada. Paglabas ng gate, may around 2.5 meters pang space bago yung actual na daan. Mataas kasi yung apartment kaya hindi talaga ideal parking space para sa sasakyan o e-bike. Usually pwede siya sampayan, lagayan ng halaman, o daanan palabas ng gate.

Okay lang naman sa akin kapag may motorcycle na pansamantalang nagpapark doon kasi nakakadaan pa rin kami at hindi naman malaki. Naiintindihan ko rin na kapitbahay lang namin yung may-ari ng motor.

Pero lately, yung kapitbahay naming may sasakyan, lagi nang nagpapark sa tapat namin dahil hindi yata kasya sasakyan nila sa loob ng compound nila. Ang nakabother lang sa akin, may narinig ako na sinabi niya habang may nakapark na motor doon:

“Ba’t may motor na nakapark dito? Di tuloy ako makapagpark ng sasakyan ko.”

Napaisip lang ako kasi parang ang dating, expected na sa kanya yung space sa tapat ng apartment namin kahit hindi naman siya yung umuupa rito.

Alam ko naman na kalsada pa rin technically yun, pero valid lang ba na ma-bother ako? Okay lang ba na i-clarify namin sa owner kung may proper parking arrangement o consideration sa tapat ng bawat unit?

u/Hairy_Tax_7577 — 10 days ago