u/HammerNao

Hi guys, M (31), Tagal ko ng lurker dito, dito rin ako sa reddit naka kita ng few advise na nakatulong sakin, to give a context nabaon din ako sa OLA, CC, eto ung list:

Metro B: 25k

UB: 33k

Quickla (I know di legit): 49k

Ft Lending: 34k

Atome credit: 22k

Atome Loan: 28k

Maya Credit: 15k

Total: 206k

Hinding Hindi nakatulong ung tapal system, oo sa una it will cover the wound pero pag Tagal, dun mo ma realize na palalim ka ng palalim, ginawa ko pa dati, CC pambayad sa OLA hahah di talaga sya ok. Ung nabasa ko sa isang post dito is he/she came clean and humingi ng tulong sa family member which is ginawa ko, last Friday, I talked to my father and inamin ko ung wrong financial decisions ko and asked him if I can loan from him (200k), Wala interest, and di rin naman ako kakalampagin since father ko naman and he wanted to help, sinwerte lang ako na may nalapitan Ako. May mga natira pa ko pero manigable na sya and may matitira/maiipon pa ko sakin.

My advise is please DO NOT try the tapal system, lalo na ung ola to ola to ola basis, Lalo ka lalamunin ng mga hayop na un.

If kaya gawin ung ginawa ko much better, if may trusted ka na family member and can loan, kausapin mo. If not, pwede mag try sa Bank loans and try ung debt consolidation. May nabasa ko na napahiram Sila.

I hope makaahon kayo, wag kayo mawalan ng pag asa, laging may solution sa problems.

reddit.com
u/HammerNao — 23 days ago