
09939941382 - KU*T O.
Nakakagalit at nakakadismaya ang nanagyari saking lola. Nanalo ang lola ko ng 2K sa isang raffle bilang avid follower ng isang Facebook page. Ngunit bago pa niya ma-claim ang kanyang premyo, may isang scammer na gumawa ng pekeng Facebook account na kapareho ng kanyang pangalan, profile, at iba pang detalye.
Nang makipag-ugnayan na ang lola ko para kunin ang kanyang premyo, sinabi ng nagparaffle na na-claim na raw ito. Labis kaming nagulat dahil hindi pa naman siya nakikipag-ugnayan. Bilang patunay, nagpadala yung nagparaffle ng screenshot kung saan makikitang may ibang taong nag-claim gamit ang pekeng account.
Sinubukan ipaliwanag ng lola ko na hindi siya iyon, ngunit huli na ang lahat dahil naibigay na ang 2K sa scammer. Hanggang ngayon ay labis ang kanyang pagdadalamhati at panghihinayang, lalo na’t balak sana niyang gamitin ang pera para sa kanyang maintenance na gamot.
Sinearch namin yung number ng scammer sa Facebook, lumabas na tila modus na niya ang gumawa ng mga pekeng account upang mang-scam at mang-angkin ng mga premyong hindi naman sa kanya.
09939941382 - KU*T O.
Baka may alam po kayo kung paano magpatrace ng number or kung ano yung full name ng scammer para maturuan ng leksyon at mapanagot ang lahat ng kanyang nabiktima ng stolen identity!