I accepted her past but she still did me dirty.
Problem/Goal:
Masama ba kong magulang/tao kung ipagkakait ko ang buong pamilya sa magiging anak namin dahil sa trust issues at dishonesty?
Context:
Hi,
30-ish (M)
Just wanna share a very confusing and very complicated situation that I’m in.
More than 6months na kami ng girlfriend ko at mga 6months din kaming dating stage bago maging official. Lets say nagstart kami magdate ng April 1 2025 tapos sinagot nya ko ng October 1 2025.
Just days ago, I found out something that really really hurt me.
Basically, nagkaroon ako ng urge kalkalin ang messages nya since lumabas sa people you may know yung guy na kinikita nya before kami magstart magligawan. Nadiscover ko na nag kita pa sila nung guy “one last time daw” at may nangyari pa sa kanila ng May 1 2025 since binalita nya sa gc nila ng mga besties nya… then nanood pa kami ng sine ng May 2 kasama yung mga tao sa gc na yun. Damn! Imagine until April 29 2025 magkasama kami tapos kinita nya yung guy ng May 1 2025 and then ako ulit kasama nya nung May 2 2025.
I said it’s confusing kasi sinasabihan pa nya ako ng “di pa naman tayo nun”. Pero kasi pinakilala nya ko sa bahay nila as “boyfriend” maybe around April 25 sa birthday pa ng kapatid nya.. andun pa mga pinsan nya so dapat diba may understanding na kami na exclusive dating na since dun na ko natulog nung gabing yun at introduced naman na ko sa pamilya as bf kahit di pa kami official talaga nun.
By the way, ang kina-komplikado kasi nung sitwasyon at bakit ako galit na galit nung nalaman ko kasi, kabet sya nung guy since may asawa at anak yun. I know their story because we were friends for more than 5 years at nakwekwento nya yun sakin dati.
I was so angry kasi tinanggap ko na nga yung past nya na yun tapos nagawa pa nya pa ring pagsabayin kami at may gana pang sabihing “di pa naman tayo nun”.
And the most complicated part is….. nabuntis ko sya. 2months na syang preggy ngayon at nung nalaman ko yung issue, siguro a couple of weeks ago lang. Her relatives and also my parents are asking me for plans (marriage) eh dahil sa nalaman kong yun, gusto ko nalang ng co-parenting setup at ayaw ko na magpakasal dahil sa trust issues.
Previous attempt:
Nag burst out ako sa inuman with her relatives at nasabi ko yung onting details na mag nangyaring panloloko in some way. And of course, may part na ako yung nagmukang kupal kasi away na raw namin yun at di na dapat sinabi nung gabing yun. And they are urging me to choose love at piliin pa rin namin ang isa’t isa.