u/Healthy_Gold742

"Bumalik kung kailan mayroon na akong iba"

Tumatakbo ka pa rin sa isipan ko. Sa daming araw na pwede mo akong ichat para magbalik, bakit sa araw na may taong nagmamahal na at handang sumuporta at tumulong sa pagkalugmok ko. Ibang iba kayo, sya napagsasabihan ko ng mga bagay bagay, problema, random thoughts na hindi ko kailanman masabi sayo kase wala ka naman nun talaga pake eh. Lagi syang may time kahit andami nyang role sa buhay pero ikaw, bilang studyante Hi lang ang natatanggap ko sa buong araw sa dami kong mensahe sayo hanggang sa inabot ng 17days- 1month pag aantay ko when ka magrereply. Walang araw na hindi ako umalis na broken kahit may tayo kase 5 days kang walang reply. Hanggang sa hindi na nga kita naiintindihan nun kase ichachat mo lang ako kung kailan mo gusto at pag may problema ka hindi mo ako kinakausap, babalikan mo lang ako pag ok ka na sa mood. Napaisip ako na pagmamahal pa ba yun? Baka kase busy lang. Pero bakit nung busy ako, gumawa ako ng time makausap ka lang dahil ayaw kong magalit ka. Nalate lang ako 5mins di mo na ako kinausap ng 32hrs. Paano ba kita makakalimutaaaan. Anw, nakilala ko sya unexpected, sinabi ko na kaibigan lang at di pa ako fully healed pero willing to wait naman raw. Ayun nga, "Mahal ko o mahal ako" ang atake o "Pusong Lito" at pag nakapili naman ako isa sa inyo, naririnig ko ang kanta ng "Paubaya" nakaready na sya eh lol. Akala ko hinding hindi ako makakaranas ng ganito na yung taong mahal na mahal mo e kailangan mo ng bitawan kahit masakit habang may taong umaasa at nag aantay kung kailan ka mafufully healed. Idedelete ko rin to soon.

reddit.com
u/Healthy_Gold742 — 9 days ago

Babalik ka pa ba?

Di ko slam kung kaya kong sabihin na sana hindi na lang kita nakilala kase alam ko sa sarili ko na hindi ko pinagsisihan na nakilala kahit ang sakit-sakit na. Hanggang kailan ba ako makakawala sayo? Minumulto kase ako ng mga araw na nagdaan nung masaya pa tayo.

Gusto na kita makalimutan pero andito pa rin yung care na ito.

reddit.com
u/Healthy_Gold742 — 13 days ago