Ako Naman Sana
Bakit ba ang hilig ko magbigay ng sobra?
Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko naman magbigay—time, effort, pera, emotional support, kung ano man. Pero napapansin ko lately, kapag ako na yung nasa gitna ng problema, parang bigla akong nagiging mag-isa.
Ang sakit pala nung moment na ikaw yung laging andyan para sa iba, tapos kapag ikaw na yung nangangailangan, wala kang mahugutan. Walang same energy na bumabalik sayo. And then I catch myself thinking, “sana may katulad ko rin sa buhay ko.”
Gusto ko na rin maging madamot at magtira para sa sarili ko. Pero ang hirap kasi kapag alam kong kaya ko naman tumulong, nagiguilty ako kapag hindi ko ginawa. Parang ako pa yung masama kapag hindi ako nagbigay.
Nakakapagod lang minsan yung cycle na ikaw yung laging nagbibigay, tapos ikaw din yung nauubos.
Hindi ko alam kung paano ba maging balanced. Pero right now, ang bigat lang sa feeling na parang ang dali ko magbigay sa iba, pero kapag ako na… wala akong masasandalan.