Ilang hours ba need mag workout?
Hi! As the title states, ilang oras ba dapat ang workout mo sa gym?
For context, I’m currently subbed sa isang gym sa Makati, around Magallanes area (kayo na bahala humula saan lol). Galing akong bakal gym and usual na ginagawa ko is PPL with progressive overload, 3-4x per week. Natatapos ko sets ko around 60 - 90 mins then uwi agad since pagod na din sa work gusto ko na mag pahinga.
May coach na nag offer ng free PT since bago lang ako sakanila and para ma-test ko din daw services niya. While training, binebenta niya sakin na marami na daw siyang client na pina-ganda katawan. Napansin niya din daw kasi na saglit lang ako mag gym at umaalis ako agad after less than 2 hours.
Na-conscious tuloy ako kasi sa old gym ko wala namang nagsita saking mabilis ako matapos? Required ba talagang matagal dapat sa gym? Karamihan ng kasama ko doon kaya nagtatagal kasi nauuna pa daldalan kaysa workout.