first bike + bike lane exp
sobrang saya ko nung nakabili ako ng bike, second-hand ko nabili around 3k din (Simon Goodvibes 3.0) ngayon ko lang din nalaman differences sa mga frameset.
bakal pala siya, nabibigatan lang ako masyado pero nasasanay naman na. grabe nga lang yung ngalay kasama naman siguro yun. gusto ko sanang ipanglabas labas dito sa amin.
kanina na try ko sa highway may mga kasama naman, napansin ko lang din na yung iba talaga walang respeto sa bike lane. lalo na yung mga nag papark sa middle ng bike lane at yung mga tao din na nagagalit pag nasisigawan sila. (wala kasi akong bell guys)
meron din pag sa daan nasa tabi ka na nga sinisiksik ka pa at yung mga people na sa gitna ng kalsada naglalakad.
ayun lang naman thoughts ko overall, parang simula nag bike ako medyo naging conscious na tuloy ako in commuting, kung ako ba mismo aberya sa mga bikers.
ayun lang naman alam kong madami pa akong need aralin, bike safe!