...at aware naman ako na hindi ko maiiwasan yun. Nakakatawa rin na yun lang yung isang consistent na bagay sa buhay. Para sakin, big deal ang consistency.
When things stay the same for me, somehow it keeps me calm and happy. Di ko rin alam kung bakit. If may masyado malaking change, nagpapanic ako onti. If marami sabay sabay, medyo malala yung panic ko. Syempre may onting leeway ako sa lahat, since aware naman ako na wala akong kontrol sa maraming bagay. Pero ewan. When something/someone does something that they usually do on this time, ang dating sakin nun is everything is fine with the universe. Mas madali ako magtiwala if consistent yung tao. Kapag nasisira yun... dili na lang ako mag talk.
I guess part of it rin is ayoko mag adjust palagi sa mga changes sa paligid ko, kasi naooverwhem at nadadala ako minsan and I lose my sense of self. Nakakalimutan ko minsan mga hobbies ko o mga bagay na nagpapasaya sakin since masyado ako preoccupied sa pag aadjust.
Maybe nasa spectrum ako. Sorry. Ewan. Dami changes sa buhay ko kaya medyo nagpapanic ako internally.
Nabago sched ko sa work, which in turn affects yung pagvolunteer ko. Hindi ko na sya magagawa twice a week. May nangyari rin sa volunteer where every other week na lang ako pwede pumunta. Baka maghanap ako ng iba na pwede sa weekdays. Naghahanap na rin ako ng work without shifting schedule to no avail. Hindi ko na rin kaya sumabit lagi sa jeep araw araw para lang may oras ako mag almusal.
Sorry sa rant/confession. I like if things stay the same because it allows me time to breathe. If things change too much, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Nakakapagod. Nakakafrustrate. I just wanna sleep and not worry too much about tomorrow man.