u/HolidayBed6335

Naiinis talaga ako sa client ko ngayon, and honestly, nagsisisi ako bakit ko pa tinanggap ‘tong project na ‘to.

Sa start pa lang, red flag na. He asked me to lower my rate from $20/hr to $14/hr. Doon pa lang, gusto ko na sana i-pass. Pero bigla siyang tumawag sa WhatsApp, literally begging me to take the project kasi urgent daw. He even promised na magiging tuloy-tuloy yung projects if I accept.

Inisip ko na lang, sige baka mabawi ko later, like I can raise my rate once ako na lang may alam ng workaround sa projects niya. Pero nung nag-offer siya ng milestone, parang naging around $7/hr na lang. Doon ko na-realize na off na talaga.

Hindi ko sana ia-accept, pero tumawag ulit siya randomly, saying na kailangan na kailangan niya talaga. I told him may commitments ako with other clients and hindi ko siya mapaprioritize, and mas okay if maghanap na lang siya ng iba. Nagbigay ako ng super late timeline, pumayag naman siya. Pero ayun… mali ko rin, inaccept ko pa rin yung contract.

Tinapos ko yung project kahit wala siyang clear instructions. As in walang proper brief. Since niche ko naman ‘to, I assumed alam ko na yung gagawin. I even submitted earlier than our agreed timeline.

Tapos pag-check niya, bigla siyang nagalit kasi ang dami daw mali. Eh in the first place, wala naman siyang binigay na clear direction. Tapos yung mga sinasabi niyang mali, honestly, outside na ng scope ko, parang part na yun na dapat siya na gumagawa.

Ngayon, naka-watermark naman yung work ko, so part of me gusto na lang i-end yung contract kahit hindi na ako mabayaran—charge to experience na lang. Kaso iniisip ko rin, baka gantihan niya ako ng low rating.

Kayo ba, what would you do in this situation?

reddit.com
u/HolidayBed6335 — 21 days ago