u/Holy_Macaroni_4845

ABYG kung palihim kong ipinagdarasal na maghiwalay na parents ko?

Simula bata pa ako, lumaki na akong puro away ng parents ko ang naririnig, as in lagi, taon-taon sigawan & layasan.

Okay background check, chief engineer ang tatay ko, while may sarili namang business ang nanay ko ngayon. Actually, ngayon lang ulit siya nakapagsimula para sa sarili niya kasi simula noong pinanganak ako, pinahinto siya ng tatay ko sa career niya at halos ikinulong na lang sa bahay.

Sobrang daming bawal sa nanay ko.

Bawal mag-short shorts. Bawal mag-labas balikat. Bawal mag-add ng lalaki sa Facebook kahit old friends pa niya. Kahit sarili kong boyfriend, hindi niya friend sa FB kasi ayaw ng tatay ko.

Parang hindi asawa yung turing niya sa nanay ko kundi pag-aari. Hanggang sa tumanda ako, hindi na siya nakikipag-argue sa tatay ko, parang ah sige bawal edi ‘wag. Para wala nang gulo, walang magkakasakitan, pero ‘yung mama ko lagi ang kawawa kasi siguro nga na-tolerate niya.

Nakakalungkot kasi sobrang laki ng potential ng mama ko.

Magandang tao, matangkad, face card 100%, matalino, madiskarte, college graduate, nasa president’s office ng isang car company before, at bokalista pa ng isang malaking banda dati.

Minsan naiisip ko, totoo ata talaga ‘yung “Boys take a beautiful woman and hide them away from the rest of the world.”

Every year na na sa Pilipinas yung tatay ko, laging may away. Lagi niyang minamanipula ‘yung sitwasyon para magmukhang masama ‘yung nanay ko kahit siya mismo yung lantarang nangbabae, nagsusugal, at financially abusive samin. Tinitipid kami at minsan kulang pa yung binibigay niya para sa necessities.

Pinakamalala yung nangyari last year noong gusto niyang makipaghiwalay through text. May suspicion kaming lahat na may babae siya sa hometown niya.

Emotions were too high that time, at umabot sa punto na tinutukan ko siya ng kutsilyo para pilitin siyang magsabi ng totoo at marinig namin side niya.

Pero, the moment na sinabi kong gusto ko silang maghiwalay, bigla niyang binawi ‘yung pakikipaghiwalay.

Doon ko na-realize na natatakot lang talaga siyang tumandang mag-isa. Kasi fear niya ‘yung tumanda mag-isa na walang nag-aalaga tulad ng nangyari sa parents niyang pinagpasahan nilang magkakapatid bago sila mategi.

Ngayon, okay sila. Pinipilit ng tatay ko na buuin yung pamilya namin dahil ayaw niyang mawalan ng mag-aalaga sa kanya pagtanda niya.

Pero hanggang ngayon, palihim ko pa ring ipinagdarasal na balang araw, kapag handa na ‘yung mama ko, sana makawala siya sa relasyon na ‘to. 

Pakiramdam ko kasi sobrang laki pa ng chance niyang maging successful at masaya kung hindi siya nakakulong sa ganitong buhay.

ABYG kung gusto kong maghiwalay sila kasi wala na rin namang pupuntahang maganda relasyon nila?

reddit.com
u/Holy_Macaroni_4845 — 14 days ago