
▲ 366 r/QuezonCity
Power Interruption dahil sa mga naka jumper.
Kakaputok lang ng poste dito sa amin Brgy. Sangandaan. Reported na sa Barangay at Meralco. Naulit na naman yung nangyari noong 2022. Pitong beses na pumutok yung linya sa parehas na poste dinudugtungan lang nila ulit kasi sobrang mahal daw ng linya ng power line kung papalitan ng bago.
Dumating pa sa punto na sinabi ng taga ELCOR (subcontractor ng Meralco) "Ayaw na namin bumalik dito manloloko mga tao dito ang daming jumper kami pa ang masama kapag kumakatok sa bahay nila"
Nakakapikon na mga taong walang konsiderasyon sila pa yung mga de-aircon. Kung naka apartment lang sana madaling lumipat. Kaya kapag bibili kayo ng bahay i-check din ang community.
u/Horacio_Se7en — 5 days ago