r/QuezonCity

Konsehal ng Quezon City, inisyuhan ng Show Cause Order ng LTO matapos magronda nang walang suot na helmet; lisensya, suspendido, motorsiklo, inalarma

Konsehal ng Quezon City, inisyuhan ng Show Cause Order ng LTO matapos magronda nang walang suot na helmet; lisensya, suspendido, motorsiklo, inalarma

​

Agad na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pag-iisyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang konsehal na namataang nakasakay sa three-wheel motorcycle nang walang suot na standard protective helmet sa pampublikong kalsada.

Batay sa video na nakarating sa ahensya, makikita ang konsehal na sakay ng isang three-wheel motorcycle habang nakikibahagi sa pagroronda kasama ang iba pang opisyal ng isang barangay sa Quezon City, nang walang suot na standard protective helmet.

Dahil dito, ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pag-isyu ng SCO sa rehistradong may-ari at sa rider ng naturang motorsiklo. Nakasaad sa SCO na kailangan nilang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Oktubre 22, 2026, upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag at mga dokumentong susuporta sa kanilang panig kaugnay ng alegasyon.

Nahaharap ang rider sa posibleng paglabag sa Mandatory Use of Motorcycle Helmets Act dahil sa hindi pagsusuot ng standard protective helmet habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada. Maaari ring masuspinde o mabawi ang kanyang lisensya kung mapatutunayang kuwalipikado siyang ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na batas at proseso.

Inaasahang isusuko ng rider ang kanyang lisensya sa IID para sa 90-araw na suspensyon, habang isinailalim na sa alarm status ang naturang three-wheel motorcycle.

“Ang pagroronda para mapanatili ang kaayusan ng komunidad ay hindi dahilan para balewalain ang batas-trapiko. Anuman ang tungkulin sa kalsada, kailangang magsuot ng helmet at sumunod sa mga patakaran para sa sariling kaligtasan,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO na ang pagsunod sa batas-trapiko ay tungkulin ng bawat gumagamit ng kalsada, kabilang ang mga nagsasagawa ng pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad. Hinihikayat ang publiko na iulat sa ahensya ang mga nakikitang paglabag upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

#LTO #LTOPH #LTOPhilippines #DOTrLTO #BagongPilipinas #BagongLTOsaBagongPilipinas #LTOZeroCorruption #TotoongSerbisyoWagNegosyo #NoSettlementPolicy

u/JunShem1122 — 4 days ago

Paano sumakay?

Question po, working po ako sa Bridgetowne E Rodriguez Quezon City na border na ni pasig.

Sa mga umuuwi po or nadadaanan si batasan hills.

Paano po sumakay from bridgetowne to Batasan hills? Salamat po sa sasagot

reddit.com
u/tamsht — 4 days ago

Motel/Hotel Suggestions

Hi! Baka may alam kayo na motel or hotel near Quirino Medical Center (QMMC), yung short walk lang sana. Ang hassle kasi umuwi pa inbetween non-visiting hours ng ICU :((

Thank you

reddit.com
u/little_ice_2021 — 4 days ago

Ma Mon Luk Closure

pag nagopen uli, sana naman ayusin na nila parking nila. 2 lanes na ng quezon ave sinasakop nila lalo na pag rush hour!

u/polymorph__ — 12 days ago

san pwede magpahinga o matulog sa gateway mall

andito na ako ngayon pero 2:30 pa yung movie ko… san pa pwede magpahinga o matulog dito

reddit.com
u/jace653 — 11 days ago