HEAR ME OUT: Dapat may veterinary office sa bawat municipality, hindi yung sa city lang.
Dapat automatic na may veterinary office ang bawat LGU. Bukod sa helpful maging career option for veterinary graduates, makakahelp din sa strays at mas ma-encourage ang responsible pet ownership.
Mostly sa mga nag-aaral ng mga veterinary eh na-di-discourage kasi mababa ang sweldo, at based sa mga sabi-sabi eh di talaga makakapagpa-yaman if wala ka namang sarili mong vet clinic / hospital. If may sure na paglalagyan ka sa municipality nyo eh mas makapagbibigay to ng assurance sayo and mas makaka inspire sa others mag vet.
Kapag may designated vet sa bawat LGU, syempre dapat mataas rin ang sahod for retention, tulad ng mga municipal health officer na tig 80-90K buwan-buwan tapos maldita naman sa mga buntis.
And most importantly, dapat marami sila. Hindi yung isa lang iha-hire. Dapat dito nalang nilalaan ang budget eh.
Tapos kung magpapagamot ng alaga sa vet, it’s either libre o may minimal na bayad lang.
Dahil dito, I feel like mas ma-encourage nito ang mga tao na mag-alaga o mag-adopt ng strays kasi mas accessible na ang vet.
Yung mga pet din na pinapabayaan nalang kasi walang pang vet kahit obviously may sakit, is mas mabibigyan ng chance to live.
Yun lang. Random thought.
Pero sa bansang ito, wala na akong aasahan.