u/Hot_Chipmunk6723

OA lang ba ako if ayaw ko magpatulong?

Hi guys, pa-rant lang ako. 35 weeks na akong buntis and andito kami ngayon sa province ng partner ko. Mag iisang linggo pa lang kami. Bago kami bumyahe galing Manila, pinadala na namin sa LBC yung mga naipon kong essentials ni baby para di na namin bitbitin sa eroplano. Tapos pagdating here, saka ako nagorder ng mga kulang.

So eto na nga, sa unang package, may mga baru-baruan na kasama. Yung nanay ng partner ko, nag insist na labhan na. Sabi ko saka na lang kasi hinihintay ko pa yung ibang gamit. Wala pa din cabinet mapaglalagyan. Dami nya sinabi na kesyo para maiready na daw. Gusto ko sana ako maglalaba kaso umoo na lang ako dahil sa hiya. Ayun, pagkatuyo and plantsa, natambak lang sa mini table tapos naalikabukan na. Kinoveran ko na lang ng blanket.

Sinabihan ko yung partner ko na pakisabi sa mama nya na ako na bahala sa gamit ni baby, ako na mag aasikaso. Then kanina, tinawag ako sa sala. Andun yung hipag ni partner. Nung una nagbibigay to ng advice about pagreready and panganganak, since apat na anak nya. Okay lang naman. Kaso nainis ako kasi sya na nag ayos ng mga gamit ni baby kanina. Pagdating ng parcels ko, isa dun yung ziplock para sa daily need sa hospital. Pinaglalagay na nya tapos kumuha na ng gamit dun sa box ng LBC. Tiningnan ko partner ko, akala ko magegets nya. Sinabi ko pa sa SIL nya na ako na mag aayos.

Pagkaalis nung SIL nya, nagthank you naman ako tapos nagpunta ako dito sa kwarto and sobrang iyak ko. Ang sama ng loob ko. Sabi ko sa partner ko “sabi ko na ngang ako na mag aayos ng mga gamit ni baby!! Nawawala yung excitement ko eh”. Bakit daw di ko sya sinabihan para nasabihan nya SIL nya.

Ang ginawa ko, kinuha ko yung box ng LBC na nasa terrace tapos pinaghahagis ko sa kwarto. Pati yung mga zip lock na may laman, pinaghahagis ko habang umiiyak. Di ko alam if dahil ba buntis ako or valid yung crash out ko. OA ba ako?? Naappreciate ko naman na gusto nila ako iguide and excited lang din sila, pero pano naman ako na excited rin? Syempre nagreresearch rin naman ako kung ano need gawin, di naman ako patanga tanga lang na buntis. Nakakainis lang kasi di sila nag aask ng permission ko.

reddit.com
u/Hot_Chipmunk6723 — 3 days ago

OA Lang Ba Ako if nagwala ako kasi ayaw bumili ng aircon?

Okay, so I am currently preggy. Nasa third trimester na. Unemployed pero si partner WFH. Nakatira kami sa isang decent na 1BR apartment pero nasa first floor. May tatlong malaking window pero yung dalawa need isara pag matutulog na kasi baka manakawan kami. So imagine, walang hangin galing sa labas. We use electric fan lang.

Last month, I asked him to buy aircon na kasi nga magsasummer na. Maliit lang bed namin and kulob talaga sa kwarto. Ayaw nya, saglit lang naman daw ang summer. Take note, GY shift sya at tanghaling tapat kami natutulog (sumasabay me sa kanya). Pinalampas ko kasi tolerable pa. Then nung nakaraan, ramdam na talaga yung init so tinanong ko ulit sya. Ayaw nya pa rin, tapos mga teh, biglang umulan! Nakahanap sya ng reason para di na bumili kasi ayan tag-ulan na raw. Edi okay, tameme ako.

Pero kahapon and kanina, di na talaga ako makahinga sa init. Nakailang ikot na ako sa kama, pawis talaga. Tatlong beses na ako maligo, tapos babad talaga. Habang tulog sya, napaiyak na ako tapos ginising sya. Sabi ko, “bili na tayo aircon please, kahit window type na second hand. Hahatian kita sa pambili at bills”. Tinalikuran ako mga teh!! Sabay pasinghal na “wala akong pera!”

Grabe sama ng loob ko. Kasi medyo malaki sahod nya (pero di ko pinapakelaman), tapos bumibili sya ng kung anuano. Sapatos kahit di naman sya nalabas ng bahay (bente na sapatos nya), sumasali sa raffle online worth 700 plus, in-app items na worth 2500, tsaka kung anu ano pa. Ang akin lang naman, oo pera nya yon deserve nya itreat sarili nya. Pero yung request ko naman eh di lang para sa akin, para sa amin din dalawa. Paglabas ng baby, gagamitin rin naman yun. Tangina talaga nagwala ako. Ayon sya nagdodota ngayon. Walang matutulog sa bahay na to!! So ayon, OA ba ako or valid naman yung pagwawala ko? Hahaha

P.S.
Reposted to, removed kasi sa kabila.

reddit.com
u/Hot_Chipmunk6723 — 1 month ago

Thoughts on Klea Pineda?

First pic: Yung background music ng post nya is “Basag ang panga ng isang lalaki sa Cebu matapos syang suntukin ng dahil daw sa selos.”

Second pic: Klea replied to a comment.

Grabe lang. Wala akong nakitang gantong replies sa side ni Chezka and Kat, pero etong maasim na ‘to na cheater, may gana pang magreply ng ganyan.

u/Hot_Chipmunk6723 — 1 month ago