u/Hot_Lemon__

Medyo long post ahead!!!

Hi, I don't know if this is the right flair or hindi but yeah, I'm trying to move on with my ex but there are times na naiiyak padin ako lalo na ngayon, ngayong oras na to kasi the tea was spilled sakin about sa ex ko, like, new teas. Sobrang sakit. Wag nyo ng itanong kung pano ko nalaman basta nalaman ko, one thing for sure, I didn't do the digging, kusang lumapit sakin yung info about him.

What I discovered: (different times/timeline ko sya nalaman pero nag build up lang sakin)

#1. there is already a girl na pinopormahan nya

(well, di naman sana ako magrereact dito kasi karapatan nya to kasi hiwalay na kami pero yung fact na tinatago nya sakin to kahit tanungin ko sya nung last na nagkita kami due to some circumstances)

#2. Meron syang ibang nakasex habang may nangyayari samin.

(Hindi to threesome ah. Yung minimean ko dito parang "sex with me this day" tapos in another day "sex dun sa isang babae" then in some days ako naman. Like in between dun sa times na wala kaming sex, he had sex with another woman. Sana magets nyo. Ilang beses ko din sya tinanong dito pero di sya umamin and nung last time na nagkita kami, it slips this info sa mismong bibig nya. All this time nagsisinungaling padin sya sakin. 😭 di ko ba deserve yung totoo?)

#3. Yung mga gusto kong gawin, binibigay nya sa bagong babaeng pinopormahan nya 😭

( I do love late night walks, heart to heart talks about sa future, reassurance, being babied, cuddles with him, exploring nearby cities and food hubs and restaurants and cafes pero unavailable sya sakin nung kami pa pero now, kahit pagod na pagod sya sa trabaho, he will make time to date her. Don't I deserve something like this? Ako yung nanghingi pero sa iba binigay 😭)

#4. There are few more lies na di naman siguro ganun kabigat sa tingin nyo pero it is still a LIE !!!

(Sobrang sakit kasi the fact that he lied to me kahit sa mga maliliit na bagay as in ang sakit kasi this is not the kind of person ang pinakilala nya sakin, I didn't know how would I react. Lagi nyang binabali/sinisira yung trust ko sakanya. Di ko ba deserve yung basic human decency and respect na not to lie to a person? Bakit ganun? He's building his character with lies. Is this girl aware that we had recently had sex? Please wag nyo pong i-judge katangahan ko na nakipag sex pa sa ex.)

All of these facts are tormenting me. Alam ko nama yung "you deserve what you tolerate" at gusto ko na din maalis na din sya sa sistema ko pero pano? He made me feel loved, yung love na matagal ko ng hinahanap and now, di ko kayang ipasok sa sistema ko na some of his actions might be a lie. Tinanong ko sya ng ilang beses kung minahal nya ba talaga ako and he said yes, minahal nya ko sa loob ng almost 7 years but hindi nya na daw kayang mag stay pa kasi sobrang nato-toxican na daw sya sa relationship namin.

Sorry na agad kung ang pathetic ko, sobrang nagmahal lang ako and I don't know how would I do to all of these love that I have ngayong wala na sya.

I hope na maging medyo gentle kayo sakin while advicing me. Wag po masyadong brutal kasi di ko na din talaga alam gagawin ko ngayon.

Minsan iniisip ko na bakit ganito ako? Bakit ganito ako magmahal na iisa lang? Bakit yung iba kayang kaya nila na magpalipat lipat ng partner na para bang yung goal nila is makarelasyon lahat ng tao sa mundo? Bakit yung iba parang ang dali lang sakanila mag cheat?

Please enlighten me 😭

Sa mga taong nakaabot dito, maraming salamat po sa pagbasa sa rant ko, ang bigat lang talaga. Wala akong mapagsabihan.

reddit.com
u/Hot_Lemon__ — 22 days ago