Normal lang ba mapagod sa “slow progress” kahit may bahay at sasakyan naman?
Hi everyone. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman kasi medyo mabigat past few days.
Breadwinner ako with family. May asawa at isang toddler na anak. May bahay naman kami at may 7-year-old car din. Hindi naman kami naghihirap at thankful ako doon. Pero honestly, parang emotionally pagod na ako sa feeling na sobrang bagal ng progress ko compared sa ibang tao. 15 years na rin ako sa tech industry.
Yung current car ko maliit na hatchback at okay pa naman siya. Pero almost 11 years na akong may desire mag-upgrade kahit bago pa ako mag-asawa. Gusto ko lang sana ng practical na upgrade like a Toyota Raize base model. Hindi luxury or mamahalin—mas safe lang tingnan sa highway at mas family-friendly gamitin.
May upcoming talent discussion/promotion sa work at sobrang kinakabahan ako kasi matagal na rin since huli akong nagkaroon ng matinong increase. Yung last increase ko maliit lang kaya parang emotionally attached ako dito. Pakiramdam ko kailangan ko ma-promote para maramdaman na may nangyayari naman sa effort ko after years of working hard.
Ang hirap din kasi ang daming on top activities na hinihingi sa work, pero parang hindi ko nakikitang na rerewardan nang sapat yung effort ko. Hindi rin ako basta-basta makaalis kasi iniisip ko na 36 na ako at dapat stable na ako sa company na pinagtatrabahuhan ko. Yung parents ko nakaasa pa sa health benefits ko as extended dependent, at alam kong mahirap palitan yun sa ibang company. Natatakot din ako na baka magmukha akong “masamang anak” kung mawala yun.
Isa pa, naiisip ko rin yung risk—may hinuhulugan kaming bahay at parang isang mali lang sa career move, baka maapektuhan yung stability ng bayad lalo na ngayon na uncertain ang economy. Kaya kahit gusto ko magbago, sobrang bigat galawin.
Dahil dito, minsan feeling ko ako yung single point of failure sa family at finances namin—na lahat nakasandal sa akin, kaya kahit gusto ko gumalaw o mag-decide ng change, sobrang bigat at nakakatakot magkamali.
Yesterday, nakita ko boss ko (breadwinner din) naka bagong SUV at bagong iPhone, may 3 kids pa, at nakapag out of the country pa recently. Kung ako yun, baka matagal ko pa nire-recover yung gastos. Napaisip talaga ako paano nila nagagawa yun habang ako parang hirap pa rin i-justify kahit entry-level upgrade lang.
Kanina sa parking basement habang tumitingin ako sa ibang sasakyan, parang pakiramdam ko ang liit ko. Naisip ko: “Bakit sila kaya nila? Bakit ako parang ang bagal ng usad?”
Hindi ko alam kung burnout ba to, duwag lang ba ako mag-risk/loan, comparison fatigue, pagiging single point of failure, or pagod lang sa pagiging provider for a long time.
Napapansin ko rin lately:
hirap bumangon tinatamad mag exercise mentally drained parang walang excitement sa routine
Sobrang nakakadown and unmotivating.
May naka-experience ba ng ganito kahit technically “okay naman” ang buhay? Paano niyo hinandle yung feeling na parang delayed lagi yung reward ng hard work, habang may mga responsibilidad kang hindi pwedeng bitawan? im hopeless..