u/Hypeonyx

What if Pinas, once and for all magkampi ang taumbayan and pananagutin lahat ng pulitiko na may kasalanan sa bayan?

I mean, hindi nyo ba napapansin na lahat ngayon kinain na ng sistema? Alam mo ng may mali pero ipipilit mo pa rin na tama because of pride and ego. Imbis na icriticize lahat ng may kasalanan, nagiging selective tayo, kasi iniisip natin na pag may baho din ung side natin, ibabato din satin kaya dapat wag natin icriticize. Imagine the senate and congress right now, nagkaron ng barilan sa senate and instead investigating and sending their prayers for everyone na andun, kanya kanyang allegations ng kesyo scripted, staged, etc etc. Dont get me wrong, im not saying it wasnt, wala ng makakaalam nyan kung totoo man o hindi. Ung simpleng male maleta nga ng pera na may evidence and witnesses hindi lumalabas katotohanan eh. Sa totoo lang, sa tingin nyo ba isang side lang lage may pamigay ng pera? Pareho yan. Ang difference lang talaga dyan is tayong mga keyboard warriors wala naman napapala at mapapala. Sa tingin nyo ba 10 yrs from now, hindi posibleng yang magkakaaway na yan maging magkakakampi pag ung mga nagbabayad sa kanila eh nagkampi din? And then what? Kakainin natin lahat ng sinabi natin against those people kasi kakampi na sila ng manok natin.

Ive been a long time digong fan (not the kids), hindi man siya perfect and maraming maling ginawa, pero i saw the difference during his time in terms of the drug problem here in the philippines. Im not trying to discredit and disrespect ung mga "totoong" innocent casualties sa drug war, and please forgive me if you feel that way, pero in every war there will always be casualties na madadamay lang. Pero the fight back against the problem shouldnt take the blame, ang problema at pa rin dyan sa equation is ung drugs, hindi ung lumaban sa drugs. Again hindi perfect ung drug war nya and hindi ko idedefend ung against sa "totoong" innocent casualties, may their souls rest in peace. Being a fan of digong, kaya ko din sabihin na marami siyang mali like ung sinabi nya na kahit mga anak nya masangkot sa drugs he will treat them just as how he treats everyone. Ung pagmumura nya, as the president you serve as a role model sa maraming tao sa dami ng bumoto at sumuporta sayo, kung galit ka sa drugs, siguro hindi naman mahirap intindihin na marami din galit sa palamura at inaatake ang simbahan, at marami pang iba im sure kaya nyo pang dagdagan yan. Pero despite that, he made results, ung bayaw kong dating adik nagbagong buhay dahil sa takot at walang gustong tumulong (lolo na kapitan, kababatang pulis, kamaganak sa napolcom, kaibigang nasa justice) nung panahon ni digong. May lisensya tayo na 10yrs. Hindi na mahirap pumila sa mga govt agencies. Sigurado akong ung mga dds kaya din to dagdagan pa.

Point is, hindi natin kailangan pagtakpan ung mga manok natin. Pag maganda ginawa nila, g lang ipagyabang natin, pero pag mali sila, we should be the ones to call them out. Lahat ng tao sa internet kasi ngayon puro sarcastic na almighty, holy, righteous ang tingin sa sarili. Ganun ba kahirap tanggapin na tao lang din ung manok mo (irony) nagkakamali din yan, at mas lalong magkakamali pa yan pag pinagtanggol mo pa kahit mali na ung ginawa. Now, kung mali naman ung manok ng kabila, instead of saying 8080, yan kasi mga dds/pinklawan/tsinador/insert more creative terms for calling out the other side, bakit hindi nlng magbigay ng constructive criticism? Imagine kung ang shineshare ng bawat isa is ung constructive criticism instead of memes, hateful messages, and throwing shit to the opposing side, sa tingin nyo hindi ba mas mapapansin un ng mga nasa pusisyon? Baka sakaling, maisip nila at mapressure sila na, aba naisip ng mga tao un ah, tumatalino na sila kaya dapat step up din ako sa pagiisip ko. Kaso kung ang ibabato natin is memes and hateful messages lang na walang substance, edi iignore lang nila un.

During this time, yang pinklawan/dds/bbmnatics na yan, may pinagdadaanan din yan na pinagdadaanan mo, imbis na atakehin siya creatively, bakit hindi tayo maging creative magisip kung panu magbibigay ng suggestions sa mga nasa pusisyon? Ang sarap siguro makita ng EDSA na magkakapit kamay nagpprayer vigil ung mga keyboard warriors ng bawat side, baka sakali mahiya na satin ung mga pinuno at magkaron ng mga nakaupo na makunsensya at ganahan ayusin ung bansa natin.

Tldr -- ang haba na pala haha sorry na

Ano man kulay, kampo, or side ka, pinoy ka pa din kaya yayakapin kita kahit magkaiba tayo ng manok sa gobyerno. Sabay nating sabihin ung mga pagkakamali nilang lahat at sabay nating purihin ang bawat magagandang ginawa nila. Pare pareho lang tayo ng gusto bilang mga nasa laylayan ng bansang ito, un ay ung makahinga ng maayos at masabi natin sa ibang bansa na kelangan nyo din ng visa para pumunta dito kasi maganda dito samin.

Laban tayo mga Pilipino!

reddit.com
u/Hypeonyx — 7 days ago