u/Illustrious-Buy9827

Ayon kay Pebbles, may anak daw si Edong na nagpakasal sa lalakeng di pa kasal.

Ayon kay Pebbles, may anak daw si Edong na nagpakasal sa lalakeng di pa kasal.

https://preview.redd.it/rjnm93pkik2h1.jpg?width=1390&format=pjpg&auto=webp&s=7e1ae677a5075ffa04b5da4037e92b94777e0fba

John Paul Estrada yung nasa ibaba na bagman

Ayon kay Pebbles, Wow naman na sa pinakamalinis na relihiyon sa daigdig. Kung makahusga kayo sa single mom at mga nakabuntis ng hindi kaanib parang sobrang banal ah. Ito tignan niyo at basahin niyo. Yan ba ang kinalulugdan ng Diyos?

Handog pa more sa mga OWE na panatiko na pati buhay iniaalay. Alam kong totoo tong pinopost ni Pebbles eh.

Ingat ka lang palaging sister. Ayaw pa naman makaalam ng katotohanan itong mga OWE.

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 1 day ago

Nakakaproud maging INC for todays event : Kasabwat pala sa INTERNSTIONAL TRENDING NEWS

INC

Iglesia Ni Manalo nangunguna sa kaguluhan. I thought BATO is hiding now on their compound o sa mismong bahay ni Eduardo.

Anyare INC 😌 Mukang pinapairal niyo talaga ang ugali ninyo sa panahon ni Duterte. Ang nangyare kaguluhan sa Senado ay nagbuhat ng kahihiyan sa bansa sapagkat naibalita pa ito sa iba't-ibang NewsMedia sa daigdig.

Pero sng masaklap, ang Relihiyong kuno ay sinasabing tunay at tanging maliligtas, kasabwat pala sa pangyayare.

Nakakahiya kayo INC! Nakakahiya ka Eduardo Manalo! Nakakahiya kayo DUTERTEBLOC!

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 8 days ago

Natatawa na lang ako sa kwento nung pinsan ko sa leksyon

Ang kaparaanan ng kaligtasan DAW ay ang pag-anib sa Iglesia. Na kahit gaano ka pa kabait, hindi yun sapat para maligtas. Wala daw kabuluhan ang pagiging mabuti mo kung di ka kaanib sa Iglesia NI Manalo.

Alam niyo kung bakit ako natawa? Tinanong ko kung sino ang nangasiwa. Putcha, yung Manggagawa pala sa lokal na sandamakmak ang utang sa mga kapatid. Ang laki ng utang sa mga kalokal niya.

Tapos ang yabang pa daw magsalita na huwag mag-uulat agad kasi maari pang magbago ang isang kaanib. Siya pala ang takot maulat eh sa dami nung utang at inutangan. May utang pa daw siya sa pinsan ko na 500. Dahil ang rason niya, pampagamot ng nanay niya.

Di ba kargo yun nung handog ng mga kapatid? wala bang libre sa New Era? 😅

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 10 days ago

Darating ang panahon patitigilin ang ginagawang pagsamba sa Iglesia ayon sa isang Ministro

May kamag-anak ako na pinatawag noon sa opisina ng Ministro para sa pag-uusap tungkol sa isinagawamg rally ng Iglesia kailan lang.

Ang kamag-anak ko na ito ay nagshared kasi ng opinyon sa Social Media reagarding sa issue ni Marcoleta na hindi kayang maging transparency sa ginamit na pondo noong election.

Pero ang nakakatatwang sinabi daw nung Destinado, "kung hindi mo yun buburahin baka ikatiwalag mo. Alam mo ba si Marcoleta ay kapatid yun sa Iglesia. Siya ang inilagay ng pamamahala sa Senado para sa kapakan ng Iglesia. Dahil baka patigilin ng administrasyon (Pres. BBM) ngayon ang pagsambang isinasagawa ng INC at si Marcoleta ang magiging daan para di mangyare yun."

At sinabi pa nga ng destinado na mas worse pa nga daw si BBM kaysa kay Duterte at kailangan ng kamag-anak ko na manood o magbasa ng News sa NET25.

Ang malaking tanong diyan, bakit ipapatigil ng Administrasyon o Namumuno sa bayan ang pagsambang ginagawa ng INC? Bakit nga ba? At bakit nga ba takot na takot si Eduardo Manalo at ang Sanggunian?

Ako ang kinakabahan 🤜🏾😽😒

Gumagaling ang NBI noh kuya? Kung paanong naentrap si Magbanta ay ganun din huhulihin ang sangkot sa mga anomalya sa ating bansa. Nawa'y kabutihan ang Manaig at Mahayag nawa ang kabulukan sa loob ng Iglesia Ni cristo/Manalo. Maghari nawa ang tunay na kalooban ng Diyos hindi ng Manalo.

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 16 days ago

Ang INC ay Cristo lang sa pangalan pero hindi sa gawa.

Biglang pumasok kasi sa isip ko yung kaganapan noong may gawain sa lokal noong kaanib pa ako at isang May tungkulin.

Medyo nagkasagutan itong si Destinado at Katiwala, dahil ayaw ni katiwala na tawagin yung akay na sinusubok para papirmahin sa R (something* sorry nakalimutan ko kung anong Records yun. R2-).

Bakit nga ba ayaw tawagin ni katiwala itong sinusubok na ito? Dahil hindi naman halos sumasamba. Magiging problema lang siya kalaunan kung itutloy na pabautismuhan.

Katiwala: Kapatid, hindi ko maaring tawagin para papirmahan kasi ako din mahihirapan. Baka hindi parin sasamba kahit bautisado na at ako ang mahihirapan sa pagdadalaw.

Destinado: Subukan lang natin, papirmahin parin natin para maisalang sa araw ng bautismo. Baka malay mo magbago. Kasi ang Ka Eduardo nga hindi agad nagtiwalag nung may nag-ulat sa kaniya na kumain ng dinuguan yung kapatid. Eh baka magbabo si (yung sinusbubok ) kapag nabautismuhan.

Katiwala: Bahala kayo!

Kinaumagahan pinasamba nila si sinusubok at pinapirmahan. At after a week, sinalang na siya bilang isang mababautsimuhan. At naging ganap na INC nga. At tama si katiwala. Ganun parin ang sistema niya, mahirap parin hagilapin upang sumamba.

Ang ginagawa pala nung mga destinado noon ay namemeke ng records o ulatan. Masabi lamang na may nagpapadoktrina at nagpapasyang magpabautsimo. Oo, plus points ni Kuyang Ministro kapag may nadoktrinahan at napabautismuhan kaya ganun ang ginagawa ng karamihan. Ang mameke ng ulatan.

Noong mga panahong dumarami ang hindi sumasamba, pinagtatanggal na nila yung mga kapatid na MS o madalang sumamba. Kinukuha ng kusa ni Destinado ang transfer kasabwat ng mga kalihim upang hindi na dumami ang bilang ng MS at hindi na siya palagiang ma call up tuwing klase.

Binibigay naman niya ang transfer ng mga kapatid na inalis niya at sinabi niya noon bahala sila kung ipatala nila.

Kaya kahit noon pa, maliit na ang porsyento ng mga kaanib sa INC. At yung sinasabi nilang lumalaki ang bilang ng umaanib? Mas malaki naman ang bilang ng mga umaalis. Ang nagpaparami lang noon ay dahil sa pamemeke ng maraming ministro sa ulatan para hindi ma call up ng tagapangasiwa at hindi makaltasan ng sahod o tulong kung tawagin. Marami na among nakilala na ganun ang sistema ng bawat destinado o ministro na mahina sa pagbubunga. Madalas ang target ay mga kabataan pa.

Balik ako sa pagiging Inconsistency ng INC.

Nagulat lang ako na para bang naging diyos na nga si Eduardo Manalo. Nung sabihin ng Ministro na nagpatawad si Edong sa kapatid na naulat na kumain ng dugo ay kahalintulad na din yun ng hindi makatarungang paghatol at paglabag sa kung anong tinuturing nilang bawal na nakasulat sa Biblia.

What if nalaman yun ng ibang kapatid at tinularang kumain na rin ng dinuguan? Mapapatawad din kaya sila o Nagkakasala na ba sila o sadyang hindi rin talaga maunawaan ng Tagapamahala ang tunay na nakapaloob sa Banal Na kasulatan?

Btw. Hindi parin ako kumakain ng dinuguan kahit tiwalag na ako. Di dahil puso ko parin ang INC kundi ayaw ko na lang din talaga.

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 20 days ago

Nag-scroll ako sa Comment Section para makakita ng mas malaman pang information tungkol sa isang Minister Wife na sinabing Pathological Cheater. But I shocked, kasi ang mismong nagpost tungkol sa pagiging Cheater ni Minister Wife ay kabit din pala ng Destinado o yung mismong Ministro.

Ano ang pinupunto mo sa pangangabit ni Minister Wife, kung ang mismong kabit ng Ministro ay ikaw?

Pinakamasahol dito ay si Ministro o Destinado na kesyo humiling-hiling kuno pero di kayang panindigan ang pagiging asawa at the worst is Cheater din pala. Wala silang kaibahan ni misis niya.

So kung gusto nung nagpost na ang simpatya ng tao ay pumanig sa Ministro, nagkakamali ka.

Huwag mo ng siraan yung Minister Wife kung same lang din kayong kabit. Unang-una, si MW baka marami na yang sinakripisyo sa pagsasama nila Ministro. Baka napagod na rin. Baka ang dami na. iyang realization sa buhay as the days goes by.

Now, kung gusto mong mapasaiyo si Ministro, iulat mo. Sabihin mo ang ugnayan niyo.

But i'm pretty sure, kapag iniwan ni Ministro ang tungkulin niya, sa kangkungan kayo dadalhin ng tadhana. Di naman niya pwedeng ilagay sa Resume na ang work experience ay Ministro. 😁 Panalo parin si Minister Wife basta mahalaga di niya pabayaan ang mga anak niya. 😃

Edit: Sinabi ni ate na nagpost, lagi daw umaalis si Minister Wife.

klaruhin ko lng po, if Pastor na po ang posisyon ng isang Ministro malawak na po ang sakop. May manggagawa na rin siya at laging may nag-oopisina sa mismong lokal. Lahat ng galaw ng Minister Wife napapansin yan. At for sure hindi yan sa probinsya nangyare. Walang pastor sa Probinsya nasa Metro Manila silang lahat. Nasa syudad at maayos ang kalagayan. Di tulad sa karaniwang Ministro na liblib nakadestino.

On my opinion/perspective, si Ministro lang ang nagcheat dito. Ayaw lang iadmit ni ate. At sa posisyon ni Ministro bilang pastor, kayang-kaya na niyang ipahunting yung kabit ni misis kung totoo yan. Di yan magbulag-bulagan. 😅 Gaya ng nasabi ko sa reply ko kay ate, baka naphysical abuse na si Minister Wife kung totoo yan😂

Sa lawak ng sakop ng isang pastor, baka siya ang maraming kabit . 🙂

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 24 days ago

Bakit Opo kayo ng Opo sa tuwing binabanggit ang pangalan ng mag-ama sa panalangin? Did you know that Angelo Eraño Manalo ay katulad lang ng kabataang tambay sa kalye?

May asawa't anak na , oo. Pero parang bata parin yan kung i-baby nila because of Throne (hari yarn) 😂.

Sa New Era , isa siya sa huwaran. Huwarang Mobile Legend Player. Sa mga nakakalaro niya, nagmumura din ba siya? 😂🤣

Noong May Tungkulin pa ako, kahit araw ng pasukan may mga estudyanteng INC na nagpupunta sa New Era. Tinanong ko minsan yung isang kapatid doon na nanay nung binata.

Bakit po laging umaalis si (anak niya), sagot niya sa akin, may palaro sa New Era. Tanong ko, "ano po yun? "

"ML, nagpatawag si ka Angelo".

Sa isip ko, halos every pagsamba noon (nakaupo na si Edong that time as Executive Minister) , laging leksyon na bawal ang online games even sa pagcreate ng account sa any social media platform ,like facebook, instagram at pabulusong p lng naman ang tiktok noon. Pero heto pala si bonjing, leader na ng ML PLAYER 😂 . Dumaan kaya to sa Clash of Clan (COC)? Matigas din siguro ulo ni Angelo Eraño Manalo sa tatay niya noh? 😅 pero since nag-iisang lalake, kunwari binoto para maging pangalawang tagapamahalang pangkalahatan.

Huwag na kayong mag -opo kapag sinasabing ingatan siya. kasi ingat na ingat sila diyan. 🤣

reddit.com
u/Illustrious-Buy9827 — 26 days ago