
Thoughts on Bongga Ka Day with Iya and Rapah
Some thoughts on BKD — nakailang iyak ako kina Rapah at Iya. Napakagagaling nila. Walang tapon. Ilang beses akong napailing kung gaano kalinis ang boses ni Rapah, gaano ka-pulido ang bawat pilantik ni Iya. Hindi ka kabado na baka hindi maabot ang nota, hindi ka maiirita kasi wala sa beat yung sayaw.
Gamay na nila ang basic, nailed na ang fundamentals, kaya may head space sila for the nuances ng character. Sapul nila ang mga patawa verbal man o physical. Malakas ang chemistry nila sa castmates kasi confident ang lahat na kaya nilang masalo and batuhan. Napaka solid ng ensemble. Sobrang nakaka proud ng talent ng Pinoy.
Ang saya saya ng audience kahapon. Palakpakan, hiyawan, sa dulo tayuan lahat.
Sure ako ok lang sa kanila maging understudies. Humble yan sila, walang ere. Pag nasa teatro ka sanay ka sa rejection, sanay ka rin mapalitan nang walang pasabi, matanggal nang walang abiso — whatever is best for the prod. Mababait yang mga batang yan.
Pero minsan talaga glaring kung gaano ka-unfair ang industria. Lamang ang may pera, may koneksyon, ang kilala. Ano bang magagawa ng mga manonood di ba? iBoykot ang show kapag naiinsulto at minamaliit ang teatro. Kapag hindi pinapahalagahan ang artistry, disiplina, at mga taon ng consistent na sakrispisyo na hinihingi ng teatro mula sa mga artista nito. At kapag ang role ay nabigay sa nararapat, lakasan din ang hiyaw at palakpak.