31M – Pakiramdam ko hirap na hirap ako sa takbo ng buhay lately
I work in digital marketing, earning a decent amount while living in the province. Marami na rin akong pinagdaanan para makarating sa point na meron akong stable income, kaya feeling ko deserve ko naman kahit papaano yung blessings dahil sa hard work.
Sa past few years, tinulungan ko partner ko sa small food business niya. Ilang beses siyang pumalya, nalugi, pero lagi ko siyang mino-motivate. Sinasabi ko na okay lang mawalan ng pera basta may natututunan. Tuloy-tuloy ko siyang sinuportahan kasi noong nagsisimula pa lang ako sa corporate job ko, siya rin tumulong sakin noong kapos kami. We also have a 5-year-old son.
Ang problema, unti-unti kong nalaman na may mga utang pala siya na hindi ko alam. Nagugulat na lang ako kasi may mga taong kumokontak sakin. Sinubukan kong ayusin at bayaran.
Sunod naman, pinahawak sa kanya ng parents niya yung pera para sa lending business nila. Nagastos din pala niya yun, at nalaman ko lang nung malapit na kailangan i-remit sa grandparents niya. Ako ulit sumalo. Binenta ko pa yung una naming motor na pinaghirapan ko para mabayaran, tapos siya nag-cover ng kulang.
Hindi ako naghinala agad kasi tuloy pa rin naman business niya, malakas ang benta araw-araw, at gusto ko rin siyang mag-grow. Akala ko okay na ang paghawak niya ng pera.
Pero habang inaayos ko sarili kong credit card debt, dumating ulit mas malaking problema. Nangutang pala siya sa iba’t ibang kakilala namin gamit ang tapal system para pambayad sa ibang utang. Ako na naman ang kinontak ng mga tao.
Doon ko na sinabi sa sarili ko na sobra na. Nag-set ako ng boundaries to the point na parang kanya-kanya na kami financially. Pero hindi ko rin matiis, lalo na may anak kami. Kaya tumutulong pa rin ako kahit maliit na halaga lang.
Naubos ulit ipon ko. Naapektuhan pati playschool ng anak namin. Yung dati naming maayos-ayos na buhay, ngayon sobrang tipid na kami to the point na halos umaasa kami sa bahay nila pagdating sa pagkain.
May sarili rin akong responsibilities—bills, pagkain, necessities, monthly payments sa car at motor, at may kaunti rin akong nahiram sa friends na kailangan kong unahin bayaran.
Honestly, pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung tama pa bang patuloy akong sumalo, o kailangan ko nang piliin sarili ko at future ng anak namin. Gusto ko lang ilabas kasi mabigat na talaga.
I was planning to surrender our car, 2 years ko na siyang bayad. Buntis ulit yung partner ko kaya mas napapaisip ako sa future namin. She also promised to find VA jobs once the first trimester check is done. Mahal na mahal ko yung family ko and di ko maimagine ang buhay na wala sila.
Any advice? T-T