u/ImaginaryCharacter04

Hi, ask ko lang if possible ba na magpa-cancel ng contract sa home credit?? I mean, kahit hatakin na nila yung appliances na kinuhang hulugan, di ko naman itatago or tatakbuhan sila.

TL;DR - wife ko talaga ang may contract, but she got into a bad accident and hindi na nya kayang magwork as of now kaso check up pa lang ang nagagawa namin kasi ina-advise sya magpa-MRI for further analysis ng damage sa binti nya

Yung loan amount nya ay nasa 38k, which is ang masaklap nito ay kaka-approve lang sa kanya 2 weeks bago sya naaksidente. Basically, wala pang hulog bukod doon sa 10% downpayment.

Any advice, help, or guides will do po.

First time namin nag home credit and wala naman kasi sa plano na magkakaganito ang sitwasyon.

Salamat

reddit.com
u/ImaginaryCharacter04 — 15 days ago