▲ 57 r/nanayconfessions
11:55PM Mothers Day
Writing this at exactly 11:55PM. Happy Mother’s Day everyone!
Gising pa, hindi pa pwede magpahinga. Maghuhugas pa ng pinggan, magtitiklop, mag-aayos ng mga laruan na nakakalat, maglilinis ng mesa. Hoping na di magising si bunso (4months old) para tuloy-tuloy ang paglilinis. Uuwi ng pagod pero di pa pwede matulog, may mga naiwan pang gawain na wala din namang ibang gagawa. Anong mothers day mothers day? lol
Pagod na yung katawan pero gising pa ang mata. Wala talagang pahinga mga nanay no? Nakakapagod pala. Mother’s Day is just another regular day for mothers but with a thank you.
Mali ata grammar ko, okay lang, di ko nga alam bakit ako nagsusulat dito instead na nagsisimula na sana akong maglinis ng bahay. Kamusta mothers day nyo?
u/ImeanYouknowright — 12 days ago