u/Immediate_Bird4861

Lubog sa utang dahil sa sugal

Hello, I’m 35F and currently may 700k+ na utang dahil sa sugal. Ilang beses ko nang pinangakong titigil na ako after major losses, pero bumabalik pa rin ako after a few weeks. Madalas tumitigil lang ako kasi wala nang pantaya.

Narealize ko na hindi talaga sapat minsan ang “willpower” lang, kasi ang utak natin naghahanap ulit nung dopamine rush, lalo kapag stressed, malungkot, guilty, o gustong bumawi. Kaya sobrang importante nung self-exclusion programs, which I did. Hindi siya simpleng restriction lang; protection siya para sa future self ko kapag dumating ulit yung urge.

Dumating ako sa point ng guilt, self-harm, at suicidal thoughts. Partner ko lang ang nakakaalam, at sa tulong niya unti-unti akong bumabangon. Isa din sa realization ko ay mas malaking bagay sa taong nagmamahal sakin yung nakikita niyang lumalaban ako kaysa nagpapanggap akong okay habang palubog.

This time, papanindigan ko nang hindi na magsusugal. Hindi kailangan maging perfect agad. Ang importante, kahit may urge, hindi na susugal.

Ang importante ngayon: buhay ako, lumalaban ako, at may awareness ako na gusto ko nang matapos ang cycle. Maraming nalulunod sa sugal ang hindi umaabot sa point na kayang aminin sa sarili nila na wala na silang control. Ako, ginawa at inamin ko na. At para sakin malaking bagay ‘yun.

Sa tulad ko ng pinag dadaanan at hinaharap na problema. Kakayanin ko at natin to! Unti-unti. Isang araw, isang bayad, isang desisyon at a time. ❤️

reddit.com
u/Immediate_Bird4861 — 2 days ago