NAKAKAPAGOD
Hi i just want to let this all out, feeling ko kase pag nasabi ko dito yong nararamdaman ko now maybe mas makakahelp ito sa tuluyang pag iwas ko sa putang sugal na eto.
Grabe talaga ang nagawa ng sugal saken, padala ng mga client ko from abroad is nawawaldas ko lang kahapon napadalhan ako ng 10k pang groceries kk daw tas 20k pandagdag sana pambili ng bago kong phone pero wala eh, nasugal ko. Kaya eto ako ngayon grabeng pag sisisi pero wala na akong magawa eh . Naubos na.
Pero alam ko di pa dito tapos ang lahat, kaya't di na itatanggi na adik ako sa sugal, na ang mga talo ko ay hinding hindi na babalik sa akin. Ang kaya ko lamang gawin ngayon ay magpatuloy. Iwasan ang sugal ng tuluyan. Iwan lahat ng masasakit na dulot ng sugal. At magbago.
Ang di pagsusugal ang tunay na panalo.