I fell for someone who lied about everything
Long post! Let me just get this off my chest kasi wala talaga akong mapagsabihan at baka pagtawanan niyo pa ako.
May nakausap ako dito sa Reddit. At first okay naman, vibe kami mnsan hanggang madaling araw. Never nawawala yung gm, ga, gn niya. Clingy ako tapos nirereciprocate rin niya kasi honestly… ang sarap sa feeling na may taong present araw-araw lalo na kapag mag-isa ka lang sa buhay. Slowly, na-fall ang ako niyo. jbka may mag-ask kung wala ba kming work.. teacher sya na unemployed pero waiting sa demo sa school na inapplyan nya since bakasyon kaya mrami sya time. ako naman archi na nka LOA.
Anw, Weeks passed, naging normal situationship na. May tampuhan, lambingan, away-bati. Alam niya rin struggles ko sa life severe depression, ulila na ko at literally alone. Kaya akala ko safe person ko na siya.
KASO BIGLANG MAY SOMETHING OFF.
Nagkaroon kami ng argument dati kasi nahuli ko siyang naglilie. Di ko na maalala ano exact issue eventually umamin siya na fake lang daw yung pangalan na binigay niya kasi “private person” daw siya at akala niya hanggang joke lang kami. Atecco??? Ano ‘to witness protection program??? sa dami ko ng na-invest na kwento sknya joke joke lng pala sknya to.
Siyempre blinock ko. Pero si kuya mo gumawa ng ibang accounts para kausapin ako ulit. Eh marupok ako at namimiss ko siya so binigyan ko pa ng second chance 🤡 tanga right?
This time daw “totoo na lahat.” Binigay niya first name niya, saan siya nakatira, mga ganon. Pero napapaisip ako bakit hanggang first name lang? Tapos lahat ng sinesend niyang pics HALF FACE LANG. Laging putol mata pataas. Beh parang witness sa Tulfo na naka-blur identity. tanga ko rin kasi di ako nanghinge kasi gusto ko siya kusa magsend at hndi ako mag-beg. ayaw niya din mkpg vc or call wala dw ksi privacy sa bhay nila. Pero dahil tanga tayo at lihim na attached, hinayaan ko..
Then one morning nagsend siya pic ng cake. Sabi niya birthday daw ng pamangkin niya at kakain sila sa labas with family.
TAPOS AFTER FEW DAYS UMAMIN SIYA NA SIYA PALA MAY BIRTHDAY NON 💀💀💀
Girl… nasaktan talaga ako dun. Kasi bakit pati birthday niya kailangan itago sakin? anong meron sa bday na need itago? Ni hindi ko siya nabati. Sabi niya takot lang daw siya, marami raw disappointments sa buhay niya at wala pa siyang napapatunayan. Ayaw niya raw ako ma-disturb. ma-DISTURB?!!!
Eh hello??? Birthday mo yun hindi ka istorbo.
Sabi ko nga sakanya, ako nga depressed at may suicidal thoughts pero never ako nagsinungaling sakanya. Bakit parang di ako worthy sa katotohanan niya? Bakit parang kailangan ko pa i-earn yung basic honesty 😭 Ayun nanahimik nalang ako habang siya nobela nanaman ng explanation.
Tapos eto pa… habang tumatagal mas nawawala siya ng matagal daily mga 8 hours walang paramdam tapos dahilan: “napatulala” “nagbasa” “nakipagkwentuhan sa kapitbahay” “nakatulog sa sahig habang nanonood TV” “maliligo lang” tapos after 3 hours pa babalik
Kuya ano yan? Full-length director’s cut??? yung point ko kase bakit dati nagagawa nya naman akong kausapin ng mtagal at nagssbe kung anong ggwin tapos bgla ganyan na rasonan.
nagpeprepare daw sha for demo kaya busy tapos kinakabahan. sabi ko magsabi naman sya iintindihin ko naman kesa antayin nya magduda ako pajulit-julit. Pero girl… iba na gut feeling ko. Alam mo yung feeling na parang ginagawa ka nalang talagang tanga?
Nag-away kami ulit. Sabi ko pagod na ko umintindi. Di ko mafeel effort niyang ibalik trust ko. Tinanong ko siya ano ba talagang tinatago niya pero same explanations lang paulit-ulit.
Ang mas nakakainis? HABANG NAG-AARGUE KAMI BIGLANG NAGSISEND NG TULA. Beh gusto ko makipag-usap at gusto ko ng accountability hindi spoken word poetry 😭 Ano to? CCP recital???
Tapos gusto niya pa daw gawin akong official girlfriend.
EH PAANO MO KO GAGAWING OFFICIAL EH IKAW NGA TONG NASA “Who’s That Pokémon?” STAGE PA RIN
Eventually sinabi ko sakanya na yung care at love ko sakanya nagiging galit na. Kasi feeling ko niloloko niya lang ako the whole time. Sabi niya mahal niya daw ako, nagsisisi daw siya, di niya raw kaya mawala ako. pero deep inside gusto ko makita siya, gusto ko parin idate niya ako, gusto ko marinig boses niya,paano tunog ng laugh niya huhuhu naiinis ako.. gusto kita pero hirap mo tlga gustohin.
Pero at that point ubos na ko. So final block. Wala na siyang paramdam after nun. ilang weeks na nakalipas pero siguro dhil may-something saken na gusto malaman bat ganon sya at DAHIL MAKULIT UTAK KO at syempre namimiss ko na rin… sinearch ko lahat ng details na binigay niya sakin sa fb.
AND GIRL.
Nakita ko yung fb ng church na sinabi niyang san siya nagbbible study… tapos yung isang priest dun SAME NAME nung pangalan na binigay niya sakin. AS IN EXACT NAME at NICKNAME.
Tapos yung “address” na binigay niya sakin… ADDRESS NG CHURCH 😭😭😭😭
Napa-WHAT THE FCK talaga ako. Beh literal akong napa-sit sa bed habang nakatulala sa pader. Yung kaluluwa ko lumabas saglit tapos bumalik. nag-stalk ako buong FB page ng church. Tinitignan ko lahat ng pictures baka may kamukha nung sinesend niyang pics sakin. WALA. baka hindi tlga sya taga-dun, baka fantasy niya lng tlga mga sinabe niya saken dhil vulnerable ako.
Tapos napaisip ako: “Wait… siya ba yung pari???”
Kaso yung pari na yun i think around 40s tapos siya sabi niya 33 siya. Medyo close diba KASO yung pari medyo may tiyan tapos yung sinesend niyang pics sakin slim at maputi.
SO NGAYON DI KO NA TALAGA ALAM ANO TOTOO.. or kung totoo ba talaga siya. may gf ba tlga sya or asawa na. may ka-ldr ba siya. tinanong ko na rin nmn yan before pero sbi niya single daw matagal na. pero nasasad ako till now and siguro sya ngayon masaya sa buhay na parang walang iniwang nasaktan.
Months of talking… baka fabricated lang pala lahat. Di ko alam kung may kahit konting totoo ba sa mga sinabi niya. Di ko alam kung genuine ba feelings niya or trip-trip lang talaga.
Pero honestly… bakit ka maglalaan ng months ng effort at oras para manggago ng tao .
Galit ako sa sarili ko kasi nagsayang ako ng oras at feelings. Tahimik na nga yung depressed kong buhay eh. naghahanap lang naman ako ng lambing, bakit napunta pa ko sa detective era.
at kayo na umabot dito hanggang sa dulo, thank you dhil binasa niyo kahit medyo magulo kwnto ko. wala pakong tulog habang tinatype ko to tho. hehe. it is what it is, naging playground lang talaga siguro ako sakanya.
at sayo. tingin ko mababasa niya naman to if issearch nya parin username ko or hanapin niya ko. gusto ko lang i-ask sayo “bakit?” “nagustohan mo ba tlga ako or bored ka lang dhil summer” “ikaw ba talaga yung pari na yun?”