Need advice lang po 😭
Incoming dentistry student ako sa OLFU and taga Laguna pa ako. Problem ko is once a week lang yung pasok namin this 1st sem, so hindi ko alam if worth it ba mag dorm agad or mag uwian na lang muna.
Medyo malayo kasi commute from Laguna to Valenzuela (mga 3 hours) and feeling ko nakakapagod siya in the long run, pero nanghihinayang din ako magbayad for dorm/utilities kung once a week lang na papasok.
Iniisip ko rin if mahihirapan ba ako maghanap ng dorm pag 2nd sem na ako mag decide mag stay near the school.
For students na malayo rin school or may same experience, ano mas practical gawin?