"Sana naman ay wag mo masamain ang sasabihin ko sayo.
Nag iinom ka kapag Linggo Lunes hindi ka makakapagtrabaho dahil sa hang over makapgtrabaho ka man konti lang.
Ilang beses na natin pinag awayan yan pero inuulit ulit mo pa din at wala kang balak baguhin.
Walang masama sa pag inom pero kung dahil dito ay hindi mo magagawa ang obligasyon mo ito ay nagiging mali.
Iniisip ko kung palaging ganyan ay wala tayong maipupundar sa pagtanda natin
Madami plano pero mabagal ang pagtupad.
Hindi na tayo tumatanda
Ayoko maging pabigat sa mga anak ko kapag tumanda na ko
Gusto ko may sarili ako naiipon hindi sapat sapat lang.
Gusto ko sana maghiwalay na lang tayo ng maayos hindi nag sisigawan o nag aaway
Dahil wala ka naman balak baguhin ang sinasabi ko sayo.Ibig sabihin wala kang pakialam sa nararamdaman ako at hindi na ako masaya dahil doon.
Hatiin natin ng patas ang lahat.
Mag usap na lang tayo sa baranggay or pulis kung gusto mo about kay (baby namin).
Mas okay na yun kesa lumaki yung anak natin na lagi tayo nag aaway.
Pasensya kana napagod na kasi ako."
He just went silent.
Wanna hear your thoughts mommies.
Badly needed.
Btw were married.