u/Inevitable-Dress-787

Ayoko ng anak and non-negotiable yon sakin.

Problem/Goal: Ayokong magkaron ng anak in the future.

Hello po, I'm 26F and 25M ang boyfriend ko. Almost one year na kami this July and pareho naming first relationship ang isa't isa. Okay yung relasyon namin, healthy, pareho kaming marunong mag communicate, and faithful both side. Sya yung lalaki na hindi pala-social media. Sa treatment nya sakin, ganon pa rin sya kung paano sya nanligaw. Very consistent syang tao. Basta in short, maayos ang relasyon namin.

The thing is, galing ako sa unhealthy family. I was abu**d mentally ng family ko, plus grabe mangbbgbog yung parents ko noon. Panganay rin ako at maaga akong naging mature at nag alaga ng mga kapatid. Sya naman ay galing sa mas maayos na family. Tho pareho kaming galing sa mahirap na family, sila ay may healthy relationship until now. Masaya yung family nya and nakikita ko kung gaano sila kaclose sa isa't isa. Lately, napag usapan namin yung about sa future. Gusto nyang magkaanak. That's the issue. Ako, hindi. Bukod sa ayaw ko ng responsibility kasi maaga na akong nabugbog dyan, as in ngayon lang ako medyo nagkakaron ng time sa sarili ko. Natatakot akong baka maging kagaya ako ng mama ko. My mother hates me kasi panganay daw ako, sinira ko daw ang buhay nya. I'm scared na kapag nagkaanak kami at alam kong ayaw ko talaga, baka ihate ko yung bata. Alam nyo yon, silent resentment? I feel bad. Pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nanay. I'm not mentally stable para maging ina. Sa edad kong to, may mga gabi na gusto kong magwala at umiyak kasi naaalala ko yung mga bagay na tiniis ko. May mga oras na ayaw ko ng kausap. Ganon. Basta over all, ayaw ko po talagang magkaanak. Pero mahal ko ang boyfriend ko. Mahal namin ang isa't isa. Naopen ko na yan sa kanya at strong rin ang gusto nyang magkaanak. Pangarap daw nya yon. Ang conclusion nya ay magbabago rin daw ang isip ko. Tumahimik na lang ako pero deep down alam kong hindi magbabago ang isip ko. Ayoko talagang magkaanak.

Btw, gusto nyang magkaanak kapag 28 na ako. Date to marry kami. Pero ayaw ko talaga at gusto nya ng anak. Natatakot ako na ito ang magiging cause ng pagkasira namin. And if ever, kung magkakaanak man kami, dahil yon sa naawa ako sa kanya or nakonsensya pero alam ko na in the future, I'd rather ki8ll myse*f than to see myself sa situation na pinakaayaw ko. It's like a nightmare para sakin.

Please help me. Yung honest sana na comment nyo about this. I feel so stress sa situation ko huhu. Please be kind po.

reddit.com
u/Inevitable-Dress-787 — 14 days ago