Walang-wala
Its been 15 days since nagpost ako dito. Sobrang daming realization na nangyari, pero yung kanina yung sobrang nasaktan ako yung pakiramdam ko napaka-baba kong tao, nakaka-diri.
Kanina inaya ako ng partner ko kumain sa labas, sabi ko nalang “wala akong gana, kakakain ko lang din” pero ang totoo wala talaga akong ka pera-pera at wala akong gana kumain kaya hindi ako maka-oo sa kanya.Pero she still insist na samahan ko raw sya edi sige. While driving kanina papunta sa kakainan namin tinitingnan ko dashboard ng motor ko, nag bblink na yung gas indicator nya means na wala ng gas. Gusto kong sumigaw dahil walang wala ako ultimo pang gas wala. Until nakarating kami sa kakainan namin, at dumating na yung pagkain, habang kumakain kami nakatingin lang ako sa kanya, namunugto yung mata ko habang kumakain at gusto kong umiyak, na parang sasabog ako. Ayoko na ng ganitong buhay, nakakapagod magtago at magsinungaling.
After ng almost 2-3 weeks, parang kanina lang yung enjoy na enjoy akong kumain at sarap na sarap ako kahit halos umiyak na. Nakakapagod magsinungaling sa mga mahal natin sa buhay. In my case, kasalanan ko yung nangyari sakin ngayon kaya kailangan kong damahin yung consequence ng mga naging actions ko. Gusto ko lang ilabas salamat po.
Minsan importante rin na wag tayo maging masyadong hard sa sarili natin, yung mga nangyari sa buhay natin tanggapin natin sya as lesson. Tao lang din tayo nagkakamali.