Nakapag-smoke na kayo sa loob ng mall?
Hi, so kwento ko lang nung college ako (1st year) around 2014-2015, may tropa akong smoker din. Vacant namin parehas so inaya nya kong magsmoke kaso parehas kaming nasa school and wala kaming spot so nag aya sya mag mall. Tapos pumwesto lang kami sa magkatabing cubicle sa men’s restroom ng Robinsons Malolos sa 4th floor hwahahahahaa. Una sya muna yung nagsmoke tapos pinasa nya sakin mula sa gap sa ilalim. Bumomba na ko nang mahinahon wahahahahaha tapos nung ipapasa ko na sa kanya pabalik men iba na yung nasa loob. Pucha nakalabas na pala yung aport ko tapos men naririnig ko sa labas nagkkwentuhan yung mga nananalamin “gago pre amoy star”. Tapos paglabas ko dere deretso lang ako kahit feeling ko nakatingin silang lahat sakin.
After naman non wala na rin naman nangyari. Napagtawanan na lang namin nung tropa ko after. Wahahaha yun lang men