
6.7k binayaran sa graduation fee pero nasa folder lang na may design nakalagay yung diploma. Saan pwede i reklamo to?
Grabe. Ang laki ng binayaran namin 6.7k tapos yung diploma namin nakalagay lang sa folder na may design? Sobrang gulo pa doon mismo sa venue sa picc kasi yung iba doon hindi pinapasok kasi puno na daw. Yung ibang latin honor maganda yung diploma jacket nila kasi pero sa amin na normal lang naka folder lang? Pare parehas kami nagbayad ng tama sa graduation fee tapos ganun ganun lang? Pagkatapos namin ng graduation noong gabi umuulan pa nun kaya todo ingat kami hindi mabasa diploma namin. Kawawa talaga kaming student sa ptc kahit graduation binulsa pa pera ng mga student. Yung sa official fb group ng school namin, hindi ina accept yung mga post namin about sa issue ng diploma. Grabe ayaw tanggapin na may issue sila tapos wala pang statement. Iniignore nila. Paano kaya mareklamo to? Kung sa mayor kami mag reklamo useless lang din kasi malakas kapit ng school namin jan kay mayor.