OA ba kame?
OA lang ba kung mainis or magalit kami ng jowa ko sa mga friends namin?
Nag-outing kami kasama ang friend namin, ang OFW niyang jowa, at dalawa pang friends. Yung jowa ko ang nag-asikaso ng lahat, flights, accommodation, itinerary, etc. Familiar na kasi kami sa place dahil ilang beses na rin kami nakapunta dun, kaya alam na namin yung mga pwede gawin. Tinanong naman ng jowa ko kung okay ba sa kanila yung itinerary, and okay naman sila. Excited talaga kami kasi masaya kaming mag-travel with friends. Dalawa yung rooms namin, kami ng jowa ko sa isang room, tapos silang apat sa isa. Magkatapat lang rooms namin.
1st day:
Okay naman lahat.
2nd day:
Inantay namin sila para sabay-sabay mag-bfast. Pagkatapos kumain, bumalik muna kami sa room at nag-usap na mag-message na lang para updated lahat. Todo effort pa kami mag-isip kung saan magandang kumain para hindi sila ma-disappoint.
Before lunch, lumabas kami ng jowa ko para magkape at mag-inquire na rin para sa water sports nila. Halos isang oras din kaming naghanap bago may ma-book. After non, paulit na nagme-message at tumatawag yung jowa ko sa kanila pero walang sumasagot. Ilang calls, messages, at VM na, wala pa rin.
Tumambay muna kami sa beach at inisip na baka tulog pa sila. Maya-maya, nakita namin silang naglalakad habang hawak yung phone at may tinatawagan. Doon ko naisip na ini-ignore lang talaga nila yung messages ng jowa ko. Nainis na ako nun pero hindi ko na lang pinansin kasi gusto naming ma-enjoy nila yung trip.
Habang nasa first water activity sila, kami ng jowa ko tumambay muna sa beach kase sa second activity pa kame sasama. Dahil late sila, dapat derecho na agad kami sa susunod na activity pagkatapos. Pero after nilang mag-water sports, bigla silang nawala. Yun pala bumili sila ng kape at pagkain nang hindi man lang nagsabi o nag-aya.
Pinalampas ko ulit kasi ayoko masira yung outing. Pagkatapos ng island hopping, biglang parang hindi na rin namamansin yung OFW na jowa ng friend namin. Inisip na lang namin na baka pagod. Kaya kaming dalawa na lang ulit yung nag-dinner.
3rd day:
Pinauna na namin silang mag-breakfast kasi medyo sumasama na talaga loob ko. Pakiramdam ko kasi parang ayaw nila kaming kasama sa mga ganap nila. Eventually, sumabay na rin kami pero pagkatapos nun, wala na naman update sa kanila.
Hinayaan na lang namin sila dahil baka gusto nila mapag-isa dahil naging LDR. Kanya-kanya na rin kami ng lunch tapos tumambay na lang kami ni jowa sa beach pagkatapos. Maya-maya, dumating din sila at nalaman naming tapos na pala silang kumain. Inexpect ko na yon, nakitambay na rin sila samin at nag swimming.
Bago kami bumalik ng hotel, sinabi pa ng jowa ko na sabihan kami kung saan sila magdi-dinner. Pero wala na naman silang message. Kaya kaming dalawa ulit yung nag-dinner at naglakad-lakad na lang sa beach.
Pauwi na sana kami nang makita namin yung dalawa naming kasama na umiinom, which was originally part ng plano naming lahat. Tinawag nila kami at kinuwento na kumain sila sa isang restaurant na kasama rin sa original plan namin. Doon talaga ako sobrang nasaktan at nainis, kahit hindi ko pinakita.
Pagdating nung friend namin at ng OFW niyang jowa, tinanong pa kami kung iinom daw ba kami. Feel ko plastik na tanong na lang yun. Sinabi ko na lang na antok na kami at uuwi na.
Ngayon, sobrang sama talaga ng loob namin ng jowa ko. Pakiramdam namin na-exclude kami sa sarili naming group outing, kahit yung jowa ko yung nag-effort at nag-asikaso ng halos lahat.