u/Initial_Act_2029

Any doctors here? Need advice for my father after stroke

Hi po, asking for suggestions or advice sana regarding my father.

My father had a stroke (half-body affected) and was undergoing physical therapy before because nahihirapan siya sa balance at hindi na maigalaw nang maayos ang isang paa niya. Unfortunately, natigil ang therapy due to financial reasons.

Napapansin din namin na parang naapektuhan na rin ang behavior at pag-iisip niya. He has maintenance medications dahil may hypertension and diabetes din siya.

Lately, palagi niyang inaaway ang mama ko at pinagbibintangan na may ibang lalaki kahit wala naman. Madalas din siyang magalit at gumawa ng mga kwento na hindi naman totoo, pero sa side niya, parang naniniwala talaga siya na totoo ang mga sinasabi niya at pinipilit niya ito.

Isa rin sa madalas nilang pag-awayan ay gusto niyang makipag-s*x or magmast*rb*te frequently, at kapag hindi pumapayag si mama, nagagalit siya, nang-aaway, at gumagawa ng accusations. May times din na nagiging physically aggressive or nananakit siya.

Napapansin din namin na mas madalas itong nangyayari sa gabi, pero may times din na kahit umaga o tanghali ay ganoon siya. May mga pagkakataon naman na maayos siyang kausap at parang okay naman ang pag-iisip niya, kaya nalilito rin kami kung ano talaga ang nangyayari.

We’re really concerned kasi hindi na namin alam kung effect ba ito ng stroke, gamot, or something else. Sa ganitong case po, anong klaseng doctor ang dapat lapitan? Neurologist po ba, psychiatrist, or okay bang dalhin sa National Center for Mental Health? Ano po kaya ang pwedeng gawin habang naghahanap po kami ng help?

Thank you po sa sasagot.

reddit.com
u/Initial_Act_2029 — 5 days ago