u/Interesting_Cow_5096

Isa akong engineer na nagttrabaho sa isang city malapit sa Metro Manila, at sa totoo lang, nakakainis na yung mga nakikita ko. Sobrang overprice ng mga materyales, pero ang baba naman ng quality ng ginagamit. Hindi tugma ang laki ng budget pero ang tipid sa actual na ginagamit.

Mas nakakafrustrate pa kasi sinasayang lang yung pera ng bayan. Kung maayos lang sana yung paggamit ng pondo, ang daming pwedeng magawa tulad ng paglalagay ng aircon sa mga public school classrooms o mas maayos na facilities.

Gusto ko na talaga magsumbong kasi hindi ko na kaya yung ganitong sistema. Pero ang hirap din, kasi may takot na baka mawalan ako ng trabaho o kung ano pang mangyari at di ko rin alam kung sapat ang ebidensya ko. Hindi ko rin alam kung sino ang pwedeng pagkatiwalaan parang lahat kasi sila kunektado sa isat isa.

Nakakapagod lang isipin na mayaman naman sana ang Pilipinas, pero hindi nagagamit nang maayos yung pera.

reddit.com
u/Interesting_Cow_5096 — 25 days ago