u/Interesting_Ebb_7222

SKL kaya pala magreresign na kasambahay namin

Matagal na namin kasambahay si ate myla, mga 6 years na rin. Stay out siya so di rin kami ganun ka updated sa buhay niya unless magkwento siya. This past year, napaparami yung times na umaabsent siya. Wala naman samin yun since kaya pa naman mga gawain sa bahay.

Until recently, yung kasambahay ng kapitbahay namin chinika ma may bf nang afam si ate myla na nameet online. Pupuntahan na nga raw dito sa pilipinas next month para bisitahin.

That’s when everything clicked haha. Kaya pala naka iphone na si ate myla tapos di na pumapasok at nagpaalam na magreresign na siya. Sabi nga ng kasambahay ng kapitbahay namin, baka raw isama na rin si ate myla sa ibang basa nung afam niya.

Mukhang mauunahan pa ko makapag ibang bansa ni ate myla. Isang kababayan na naman natin ang maliligtas sa super el nino

reddit.com
u/Interesting_Ebb_7222 — 4 days ago