GAMBLING will eat you regardless if online or face to face
My current loss before I stopped last year was PHP160k. I do relapse pero paunti unti like 1k , 2k na patalo and very seldom yun like twice a month so akala ko okay ako, akala ko I was just gambling to slowly numb the urge hanggang sa mawala.
Then came this June I won big sa PERYA and guess what bumalik yung addictive feeling. Akala ko kasi since sa PERYA naman di ako ma eexpose masyado na tumaya ng sobrang laki kasi physical money eh, hindi nga, pero yung HIGH nung pag susugal na reset ulit utak ko, hinanap hanap ulit. As usual kapag nanalo, ipapatalo mo lang din yun. Came in today and guess what yun mismo ang nangyare, natalo na lahat ng napanalo nakuhanan pa ng 16k :( . For context my salary is around 55k per month, single pero may pinapaaral sa college, yes 16k is parang nag sayang lang ako ng 2 weeks sa isang buwan ko pero gusto ko nang tumigil, nag aadvise pa nga ako sa iba dito tapos ako din pala mabibiktima lang din ulit ng letseng sugal to.
Sharing this to vent, also to warn others wag magtiwala sa sarili ADIK TAYO, di tayo titigil hangga't di tayo lubog.
For those na fully recovered: How do you manage yung pang hihinayang sa nawala? Ako kasi I gamble to recover some of the losses (chasing), alam kong mali pero yun nalang kasi ang nakikita kong way para maalis yung guilt ko sa pang hihinayang na sana ginastos ko nalang sa maka buluhang bagay yung PERA.
Sobrang hirap makawala, Day 1 of trying to quit gambling ulit :(.