Globe fiber 2499 plan upgrade
Dati kasi ang plan ay 2199 400mbps na naka speed boost 800mbps ng 2 years, then hindi pa tapos yung 2 years nag upgrade na ako sa 2499 1gigabit, nung nag upgrade ang old modem ko ay huawei hg8145v5 v2, then nung nag upgrade sabi ay pupuntahan ako ng globe at papalitan ng modem so naging huawei HG8041X6-10, yung huawei hg8145x6-10 ay pwede den pero pinili ko yung HG8041X6 dahil hindi ko naman nagagamit yung landline nila, kaya yoon ang pinalagay ko
Nung May 4 2026 pumunta sila at papaltan, napaltan naman, nag ask ako about sa ipv6, pero hindi ako masagot dahil hindi masabi ng technician kung mag kakaroon, then nag wait ako, yung ip ko sabi ng whats my ip na website ay 150 something then sa speedtest ay sabi ay globe telecom, after ng nawalan ng power ngayon tapos nag generator ako ngayon napansin ko sa speedtest ay nag iba yung pangalan ng globe naging globe business gfiber, at naging 180 something na at may ipv6 na din finally, diko alam ang nagyari pero basta ang galing na activate nadin, ang ipv6 after 6 years na sa globe